IPB





Welcome Guest ( Log In | Register )

5 Pages V   1 2 3 > »   
Reply to this topicStart new topic
> Laro Ng Pagibig, meron akong ano? meron akong kwento!
redkinoko
post Nov 28 2006, 03:18 PM
Post #1


I will stab you in your sleep.


Group: Moderator
Posts: 3,789
Joined: 23-July 06
From: Behind you. Really.
Member No.: 8




Hehe first time ko sumulat ng tagalog for RO. Try lang. Mukhang masaya eh.

Laro Ng Pagibig ni Redkinoko

Paunang Salita:

Hindi ko inaasahan na maniniwala kayo sa lahat ng sasabihin ko. Hindi ko rin inaasam na sasabihin nyong hindi ako nagyayabang. Siguro nga, yabang lang talaga ang dahilan kung bakit sinulat ko tong kwento na ito. Pero basahin mo na rin, baka matuwa ka.


Kabanata 1: Ang Bagong Salta

Ako si Heneroso, Henyo tawag sakin ng mga kaibgan ko kahit hindi naman ako matalino. Disisyete anyos ako (17 para sa hindi nakakuha), nagaaral sa Izlude para maging sundalo sa hukbo ng Prontera. Asul ang aking buhok, katamtaman ang bulas at medyo sunog ang aking kulay (na bagay naman daw sa akin sabi ng mga kaibigan kong babae).

Nagsimula ang kwentong ito pagdaong ng barkong sinsasakyan ko sa pantalan ng Izlude ilang buwan na ang nakakaraan. Unang beses ko magawi sa Izlude noon dahil laking probinsya ako sa isla ng Traubern. Isa akong bagong salta ika nga.

Pinalad lang talaga ako na may kakilala ang pamilya namin sa Izlude na pwedeng kumupkop sakin habang nagsasanay ako sa larangan ng digmaan. Pagbaba ko pa lang ng barko, kita ko na agad ang susundo sa akin.

Mula sa di kalayuan, nakita ko agad si Lea - kababata ko na madalas magbakasyon sa Traubern kapag summer. Matanda ako ng isang taon sa kanya, pero dahil sa magaling talaga sya sa pagaaral, pareho lang kami ng baitang sa pagsasanay.

Kumaway din ako habang minamasdan ko sya mula sa kalayuan. Tubong Traubern din si Lea, matangos ang ilong at di katangkaran gaya ni Tita Lenor, ang kanyang nanay at aking tiya. Pero sapagkat ang tatay nya ay dugong Prontera, makikita mo na di hamak na mas maputi ang kanyang balat kaysa sa akin, dilaw ang kanyang buhok at iba ang kinis ng kanyang kutis.

Sa madaling salita, maganda si Lea. Ganun talaga pag pinaghahalo mo ang lahi ng magkaibang nayon. Hula ko, marami-rami na rin lalaking nahumaling sa ganda nya dito sa Izlude.

Sa wakas, nakapangabot na rin kami. Natuwa ako dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita. Napansin ko rin na nakakahabol na rin sya sa tangkad ko (dahil hindi naman ako ganun katangkad).

"Kuya Henyo, kanina pa ako nandito. Isang oras ata delayed yung barko na sinakyan mo," pangiti sabi nya sakin.

Hinablot ko ang kanyang ulo at hinimas himas na parang aso. Alam kong ayaw nya iyon, pero gusto ko lang makita kung pikon pa rin sya gaya ng dati. "Maalon eh, pero alam ko naman na maghihintay ka talaga para sakin!"

Pikon nga dahil nasipa nya agad ako sa binti ng bota nyang de bakal. Napairi ako sa sakit. "Pikon!" sigaw ko habang paluhod kong minasahe ang parteng sinipa nya.

"Para yan sa pagpapahintay sakin. Gusto mo pa ba ng sipa?"

"Hindi ko naman kontrolado ang pana..." Napatigil ako. Nakataas ang hita niya at nakatutok sa mukha ko. Bumaliko ng kaunti ang paningin ko kasi at nakitang umangat na rin ang kanyang palda.

Puting pangilalim na napagigitnaan ng pagkakaputing hita. Ayos, ngiti ko sa sarili ko. Iba talaga si Lea.

"AT ANO NAMANG TINTINGIN-TINGIN MO RIYAN?"

Naramdaman ko na lang ulit ang hapdi ng sipa nya paglapat nito sa parehong binti na tinamaan kanina. Lagapak ako sa sahig sa sobrang sakit. Haay. Masakit na masarap - yan na nga siguro ang makakapaglarawan ng buhay ko sa Izlude.
Go to the top of the page
 
+Quote Post
liureiyi
post Nov 28 2006, 03:56 PM
Post #2





Group: Members
Posts: 652
Joined: 30-July 06
From: Pasay City, Philippines!!! XD
Member No.: 3,647




naxs, . laro ng pag-ibig, . . (IMG:style_emoticons/default/biggrin.gif)

bago nga para kay Sr. Redkinoko,..

tagalog na tagalog, . . awee

update po ha? hihihi
Go to the top of the page
 
+Quote Post
redkinoko
post Nov 28 2006, 04:45 PM
Post #3


I will stab you in your sleep.


Group: Moderator
Posts: 3,789
Joined: 23-July 06
From: Behind you. Really.
Member No.: 8




Ewan ko, wala akong maisip na title eh. Hahaha parang pinoy movie tuloy kinalabasan. Papaedit ko na lang sa mod siguro pag may naisip na ako na title. XD
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Flammable...
post Nov 28 2006, 04:46 PM
Post #4


● Love Struck Fool ●


Group: Members
Posts: 1,343
Joined: 24-November 06
Member No.: 14,980




Waa I want to read this. But I can't read Filipino that well. I can only read the basics.. Oh well, I bet it's good.
Go to the top of the page
 
+Quote Post
redkinoko
post Nov 28 2006, 05:06 PM
Post #5


I will stab you in your sleep.


Group: Moderator
Posts: 3,789
Joined: 23-July 06
From: Behind you. Really.
Member No.: 8




Feel free to ask for any clarifications regarding vocabs and idioms. I sometimes accidentally use non-native filipino words by accident because of my Infantan dialect. XD
Go to the top of the page
 
+Quote Post
jherskie
post Nov 28 2006, 05:27 PM
Post #6


Öƒƒίćε βÅγ™ for good.


Group: Members
Posts: 4,358
Joined: 26-July 06
Member No.: 1,932




(IMG:style_emoticons/default/happy.gif) redkinoko in tagalog

d q agad npncin ung punto (accent) mo, pero meron nga. Still, vocabulary lng nmn ang major difference ng southern tagalog s northern tagalog. Hehe. I'd look 4ward 2 hearing u speak it (IMG:style_emoticons/default/biggrin.gif)

using d quezon accent, that is.
Go to the top of the page
 
+Quote Post
redkinoko
post Nov 28 2006, 05:46 PM
Post #7


I will stab you in your sleep.


Group: Moderator
Posts: 3,789
Joined: 23-July 06
From: Behind you. Really.
Member No.: 8




QUOTE(jherskie @ Nov 28 2006, 05:27 PM) [snapback]296023[/snapback]

(IMG:style_emoticons/default/happy.gif) redkinoko in tagalog

d q agad npncin ung punto (accent) mo, pero meron nga. Still, vocabulary lng nmn ang major difference ng southern tagalog s northern tagalog. Hehe. I'd look 4ward 2 hearing u speak it (IMG:style_emoticons/default/biggrin.gif)

using d quezon accent, that is.


Wala naman yung punto - unless somebody suddenly with the same accent talks to me. Pag ganun, automatic puntong quezon na. Sa vocabulary lang.

Batikal, babag, sampiga and abaydi aha uhu arent words often used outside quezon I think. XD

Go to the top of the page
 
+Quote Post
liureiyi
post Nov 28 2006, 05:51 PM
Post #8





Group: Members
Posts: 652
Joined: 30-July 06
From: Pasay City, Philippines!!! XD
Member No.: 3,647




QUOTE(jherskie @ Nov 28 2006, 05:27 PM) [snapback]296023[/snapback]

using d quezon accent, that is.



pure tagalog yun diba?! (IMG:style_emoticons/default/blink.gif)

di ko yata napansin yung accent, . . hmmm, . .

*reads the fic again*
Go to the top of the page
 
+Quote Post
HarryBoy
post Nov 28 2006, 05:53 PM
Post #9


Is in love with Gi <3


Group: Members
Posts: 3,863
Joined: 30-July 06
Member No.: 3,414




Ei Red is this a re-post? I believe I've seen this already somewhere here... *looks around*
Go to the top of the page
 
+Quote Post
redkinoko
post Nov 28 2006, 06:02 PM
Post #10


I will stab you in your sleep.


Group: Moderator
Posts: 3,789
Joined: 23-July 06
From: Behind you. Really.
Member No.: 8




Napost ko na ata yung first version ng chapter 1 dati pero pinadelete ko rin agad sa mod kasi may mali.
Go to the top of the page
 
+Quote Post
HarryBoy
post Nov 28 2006, 06:06 PM
Post #11


Is in love with Gi <3


Group: Members
Posts: 3,863
Joined: 30-July 06
Member No.: 3,414




Ah okay... Memory still serves me right XD

Fire away then... Will be waiting for your update (IMG:style_emoticons/default/smile.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
redkinoko
post Nov 28 2006, 06:42 PM
Post #12


I will stab you in your sleep.


Group: Moderator
Posts: 3,789
Joined: 23-July 06
From: Behind you. Really.
Member No.: 8




Kabanata 2: Sa Bahay

Maliit lang na bayan ang Izlude. Kaya nilakad na lang namin papunta sa bahay nila Lea. Matiyagang inisa-isa ni Lea ang mga gusali na nadaraanan namin, kung alin ang binenbenta saan, kung sino ang nakatira sa mga bahay at iba pa. Ako naman, halos di na makapakinig sa bigat ng dinadala kong bag. Masakit pa rin ang kaliwa kong binti at lagi na lang ako napapatingin kay Lea. Totoo ba ito? Para kasing ang sobrang seryoso nya kumpara pag nasa probinsya kami.

Katamtaman lang ang laki ng bahay nila Lea, dalawang palapag sa isang hilera ng mga bahay na katulad din nito ang disenyo. Binati agad ako ni Tita Lenor pagdating pa lang sa gate ng halik sa pisngi pero hindi pa rin ako inalalayan sa gamit ko - sabagay lalaki naman ako. Sa loob, andun din si Elena sa salas na mukhang abala sa pagbabasa ng mga libro. Si Elena ang nakatatandang kapatid ni Lea. Si Joacin namanang alaga nilang aso - tanda ko pa rin sya kasi dinala na rin sya dati sa bahay namin ni Elena dati. Kumakahol si Joacin pero mukha naman hanggang kahol lang sya - awa ng diyos.

Paliwanag ni Tita Lenor, wala daw si Tiyo Portheo dahil sa Payon daw siya nadestino. Di ko inaasahan na ako lang ang lalaki sa bahay pero wala naman problema doon. Ibinigay sakin ang silid na nasa dulo ng ikalawang palapag, may bintanang nakaharap sa bintana rin ng kapitbahay nilang hindi ko pa nakikilala. Katabi ng silid ko ang silid ni Elena, sa tapat nito, ang silid ni Lea.

Ibinalagbag ko lang ang aking tampipi at nagalis ng balabal bago ako bumabang muli. Magtatanghalian na pala kaya't umalis agad si Lea at Tita. Si Elena naman, abalang-abala pa rin sa kanyang ginagawa sa salas.

Ilang libro rin ang nakabukas at nakasalampak sa mesa sa harap ni Elena. Si Elena naman, abala sa pagsusulat habang ang mga mata nya sa likod ng maliit na bilugang salamin ay nakatutok sa aklat.

Isang taon ang tanda ni Elena sakin. Sa pagkakaalala ko, gusto naman nya maging salamangkera - halata naman sa kasuotan pa lang. Labas ang baywang ng mga babaeng nagaaral ng mahika at maninipis na tela lang ang nagtatakip sa mga maselang bahagi ng kanilang pangibaba. Ewan ko ba kung bakit yun ang pinili nila, pero nagpapasalamat na rin ako na ganun na nga ang mga bagay bagay.

Napansin din ako ni Elena pagsayad ng aking paa sa sahig mula sa hagdanan. Binaba nya ang pluma at ngumiti. "O Henyo, nakapagayos ka na ba ng gamit? Lumabas lang si Lea at mama para mamalengke. Balita ko hirap daw ang biyahe papunta rito ah."

Tumango ako. "Maalon lang. Sanay na naman ako." Pinilit ko man di pansinin, iba rin ang ganda nitong si Elena. Di tulad ni Lea, mas kamukha ni Elena ang nanay niya. Hindi sya ganun kaputi at asul din ang kanyang buhok - pero talagang cute sya pag tiningnan mo. Dahil na rin sa kakulangan ng tangkad, iisipin mo na magkasing-edad lang sila ni Lea, kung hindi mas bata pa (dahil na rin sa kanyang kasuotan).

"Ganda na natin ate ah," banggit ko sa kanya. Madalas ko ring kabiruan si Elena, at di tulad ni Lea, mas "daring" ang aming mga biruan. Ganun din naman kasi syang magbiro.

Tumawa lang sya, "Nambibilog ka pa ng ulo, e alam naman natin iba talaga yang sinusukat ng mga mata mo." Sabi ko sayo eh, mabilis talaga sya makapansin. Alam nya agad na nakasilip na ako sa panleeg ng tube-blouse nya. "Ikaw, parang tumangkad ka na rin ah."

"Ah eh, oo!" bati ko, "ganun talaga pag nagbibinata."

"Siguro may pinopormahan ka na ano? Kaya ka siguro tumatangkad ng ganyan," anang ni Elena.

Kumabog ang dibdib ko. Iba talaga to mambiro. "Wala!" sabi ko ng pasigaw, "Ang hirap kasi maghanap ng kasing ganda mo!"

Ngumiti sya at tumayo. Dumulas ng kaunti ang laylayan ng kanyang bahag kaya sumilip ang kanyang balkingkinitang hita. "Sabagay. Eh di ako na lang muna!"

"Ngek," sabi ko, habang pilit kong tinatago ang aking pagkahumaling sa kanyang kakaibang karisma, "eh alam naman natin na napakarami mong boys."

"Bakit?" Tanong nya ng mataas ang kilay, "mukha ba akong hindi papatol sayo?"

Napalunok na lang ako ng laway.
Go to the top of the page
 
+Quote Post
jherskie
post Nov 28 2006, 10:06 PM
Post #13


Öƒƒίćε βÅγ™ for good.


Group: Members
Posts: 4,358
Joined: 26-July 06
Member No.: 1,932




(IMG:style_emoticons/default/happy.gif)

*thinks* y does d word harem suddenly flashes upon my mind?
Go to the top of the page
 
+Quote Post
konsensya
post Nov 28 2006, 11:11 PM
Post #14





Group: Members
Posts: 1,799
Joined: 26-July 06
From: Gone.
Member No.: 1,900




Dumugo ilong ko sa pagbabasa nito. Hindi na ata ako sanay na magbasa ng Tagalog.

"Tampipi" --> natawa ako diyan, ginagamit din ng nanay ko 'yong salitang 'yan, hahaha.
Go to the top of the page
 
+Quote Post
redkinoko
post Nov 29 2006, 09:55 AM
Post #15


I will stab you in your sleep.


Group: Moderator
Posts: 3,789
Joined: 23-July 06
From: Behind you. Really.
Member No.: 8




Kabanata 3: Sulat Sa Hapag-kainan.

Dumating ang tanghalian. Sabay-sabay kaming kumain nila Tita Lenor, Lea, at Elena. Sinigang ang ulam - luto daw ni Lea. Sa unang tikim, maasim ang sinigang ni Lea. Napapikit ako sa unang higop - s'yang tawa naman ni Lea.

"Masanay ka na," sabi nya. "Gusto ng mga tao dito na maasim ang sabaw." Sumakit talaga ang panga ko sa asim nun. Pero nung mawala na, masarap din pala - malasa. Pagkalunok ko, tumawa na lang ako sabay hirit. "Pwedeng pwede na palang mag-asawa eh."

Tumingin sakin si Tita Lenor. Kakaiba yung tingin eh. Hindi galit, nakakaloko yung tuwa sa mukha nya. Alam mo yun? Yung parang may ginawa akong katangahan. Dumila naman si Lea mula sa upuan nya. Nag flying-kiss naman ako - pangasar lang.

"Ang sweet nyong dalawa," bati naman ni Elena habang sarap na sarap sa pag subo ng kanin at gulay galing sa Sinigang. Tumawa na si tita Lenor.

"Sya nga pala, Henyo," anang ni Tita, "May ipinadala ba para sakin ang tatay mo?" Napakamot ako ng ulo, hanggang sa maalala ko yung sulat na pinahabilin sakin bago umalis. Tumango ako sabay dukot sa bulsa ko. "Meron nga po pala."

Lukot-lukot na yung sulat nung maibigay ko. Kakahiya, shet. Pero okay na rin kasi hindi sya nabasa galing sa biyahe sa dagat. Inabot ni tita yung sulat at binuklat galing sa dulo ng mesa. Tumaas yung kanang kilay nya.

Masamang balita kaya?

"Ano pong nakasulat dyan?" tanong ko. Malay ko ba kung anong kabulastugan nanaman pinagsusulat ni tatay?

Humirin ng lalamunan si Tita Lenor. "Sabi lang dito, makikitira ka daw muna dito sa amin habang nagsasanay ka sa pagiging swordie. Sagot na raw nila lahat ng gastusin. Sabi rin nila na pag nagloko ka, pwede daw kitang disiplinahin - at dapat di kita tratuhin na bisita."

Naipon ata yung dugo sa pisngi ko kaya namula. Yun lang pala eh, wala naman problema dun kasi yun na sinabi sakin ni Tatay bago ako umalis. Tinuloy ko na lang ang paghigop ng sabay habang nakatingin kay Tita Lenor.

"Ah," sabi ni Tita sabay ngisi, "nakalagay nga rin pala dito na dapat bago ka bumalik sa inyo, tapos na ang iyong pagaaral, saka pinakasalan mo na ang isa sa mga anak ko."

Wala naman palang problema. Mabilis lang naman ata yung pagsasanay ko dito sa Izlude. Teka. Teka.
TEKA!

Napatayo ako sabay buga ng sabaw sa katabi kong si Elena. Tama ba narinig ko?

"PAKASAL PO?!"
Go to the top of the page
 
+Quote Post
jherskie
post Nov 29 2006, 11:45 AM
Post #16


Öƒƒίćε βÅγ™ for good.


Group: Members
Posts: 4,358
Joined: 26-July 06
Member No.: 1,932




(IMG:style_emoticons/default/happy.gif) ang kabanatang ito ay pumukaw sa aking interes, higit doon sa mga naunang bahagi.

(IMG:style_emoticons/default/biggrin.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
liureiyi
post Nov 29 2006, 11:50 PM
Post #17





Group: Members
Posts: 652
Joined: 30-July 06
From: Pasay City, Philippines!!! XD
Member No.: 3,647




ano yung tampipi?

grrr, . . bubu ko na sa Filipino, . . (IMG:style_emoticons/default/sad.gif)

ang kulit ng mga updates, . . wahihihi


/no1 (IMG:style_emoticons/default/tongue.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Camzy
post Nov 30 2006, 08:14 AM
Post #18





Group: Members
Posts: 17
Joined: 25-August 06
Member No.: 7,732




tampipi: isang klase ng sisidlan na karaniwang yari sa banig at ginagamit ng mga taga probinsya...

tama ba?? ^^
Go to the top of the page
 
+Quote Post
redkinoko
post Nov 30 2006, 09:07 AM
Post #19


I will stab you in your sleep.


Group: Moderator
Posts: 3,789
Joined: 23-July 06
From: Behind you. Really.
Member No.: 8




QUOTE(Camzy @ Nov 30 2006, 08:14 AM) [snapback]299756[/snapback]

tampipi: isang klase ng sisidlan na karaniwang yari sa banig at ginagamit ng mga taga probinsya...

tama ba?? ^^


Tumpak! (hahaha lahleeem ng tagalog preeee)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
redkinoko
post Nov 30 2006, 09:51 AM
Post #20


I will stab you in your sleep.


Group: Moderator
Posts: 3,789
Joined: 23-July 06
From: Behind you. Really.
Member No.: 8




Kabanata 4: Tadhana

Kasabay kong tumayo ng pareklamo si Lea. Lapat din ang kanyang mga kamay sa mesa. "Po?!" sigaw niya na hindi makapaniwala sa nangyayari. At least, pareho kami ng reaksyon.

Tumango lang si Tita Lenor sabay tiklop ng sulat.Walang anuano namang pinunasan ni Elena ang talsik ng sabaw na naibuga ko sa kanyang pisngi gamit ang isang puting panyo. Nakapikit sya at walang reaction. Hindi na rin sya kumakain pagkatapos - shet nakakahiya!

Naupo ako ulit at bumuntong-hininga. Iniabot naman sakin ni Tita Lenor ang sulat ng aking ama - para daw kung ayaw kong maniwala. Si Lea naman, nangungulit na parang bata, "Ma, naman! Mahirap magbiro ng ganyan - pano kung may makadinig na kapitbahay?"

"Napagkasunduan na to iha, bago pa man kami ipanganak - ako at ang nanay mo," sabi ni Tita Lenor.

Pagkadinig ng banggit sa nanay ko, napatingin agad ako kay Tita. Parang may kaseryosohan nga yung usapan. Kutob ko lang yun sa simula pero mukhang hindi talaga nagbibiro si Tita Lenor.

"Hindi ka ba nagugulat sa sabi ni mama?" bulalas ni Lea kay Elena na parang nagrereklamo na sya lang ang nagreact. Nagkibit balikat naman si Elena, "Alam ko na kasi yan dati pa."

Napalunok ulit ako ng mainit na sabaw. Kaya pala walang sinasabi si Elena. "Ma, pakipaliwanag na lang po ulit," aniya.

Naupo na si Lea para makinig, halatang aburido pa rin ang mukha. Si Tita Lenor naman, dinampian ang kanyang mga labi ng table cloth pagkatapos uminom.

"Ganito kasi yon," panimula nya. "Ang mga lolo nyo kasi, matalik na magkaibigan yan. Tapos nagkaroon sila ng pangakuan na pag nagkaanak sila, ipakakasal sila sa isa't isa."

Sumabat si Lea, "Eh di dapat kayo ang ikasal Ma, hindi po ba?" Tama nga naman, bakit kami pa?

Tumawa ng malakas si Tita. "Pano mo ikakasal ang dalawang babae, hala nga? Puro babae kami sa pamilya at ganoon na rin sa pamilya ng nanay ni Heneroso."

Inalala ko yung mga tiyahin ko sa mother's side. Tama nga si Tita Lenor - puro tiya nga at walang tiyo. Totoo ba talaga ito? Medyo nainis na ako. "So pano nangyari? Sinabi ni Lolo na sa apo na lang mangyayari ang kasalan na parang ganun-ganun lang?"

Napaisip ng saglit si Tita Lenor, "Parang ganun na nga. Wala rin naman problema ang mga magulang ni Henyo sa ganitong plano."

Syempre wala silang problema, hindi naman nila buhay ang napapakialaman eh! Kaiba talaga t'ong araw na to.

"Eh pano naman kung ayaw namin?" tanong ni Lea habang naka-ekis ang kanyang pagkapuputing braso sa kanyang dibdib.

"Hindi tayo pinipilit," sabi ni Elena na nananhimik kanina pa, "pero may malaking pabuya sa unang magkatuluyan."

"Pabuya?" Napaisip agad ako. Yun ba ang dahilan kung bakit gusto ni tatay na pumunta ako dito?

"Tama," dagdag ni Tita Lenor, "napagkasunduan ng mga lolo ninyo na ibigay lang ang kayamanan na nakuha nila mula sa kanilang negosyo kung may magpapakasal na mula sa bawat pamilya. Kung walang magpapakasal, ibibigay daw ang kayamanan sa simbahan."

"Kalokohan," wika ni Lea, "bakit naman kami maniniwala kay lolo eh ni regalo nga hindi kami mabigyan nun?"

"M-magkano daw po ba yung pabuya?" Nacurious lang ako. Para kasing sobrang lokohan na ang usapan - sa sobrang nakakaloko, seryoso na ata.

Tumingin sakin si Elena na may kislap sa kanyang mata at mainit na ngiti, "limampung bilyon mula sa nasamsam na ginto galing sa Byalan bago nakaroon ng digmaan. Totoo yun, ipinakita na sakin ni lolo noong bata pa ako - kaya ko alam ang tungkol sa usapan."

Limangpung bilyon para pakasalan ang isa sa magkapatid? Mamulamula ang mukha ko. Di ko alam kung sa tuwa, sa galit na pinipilit akong gawin ang isang bagay na hindi ko pa napapagisipan, o basta hiya lang. Ang ganda kasi talaga ni Elena -

"Pasabi kay lolo, kanya na lang nag pera nya!" padabog na sigaw ni Lea sabay alis sa hapag-kainan. Tangkang hinabol sya ni Tita Lenor pero hinyaaan na rin lang nya umakyat sa kanyang kwarto si Lea.

Pagkalagabog ng sumarang pinto sa itaas, napunta ang pansin ko kay Elena - nakatingin pa rin sya sakin. Di ako makakibo at napatingin sa mapangakit nyang dibdib na nakasilip mula sa maluwag niyang blusa.

"Pano ba yan?" sabi nya.

Aatakihin na ata ako sa puso, unang araw ko pa lang sa Izlude.
Go to the top of the page
 
+Quote Post
liureiyi
post Nov 30 2006, 05:43 PM
Post #21





Group: Members
Posts: 652
Joined: 30-July 06
From: Pasay City, Philippines!!! XD
Member No.: 3,647




ayun, . .

basta ang palatandaan ko kasi, . .

tampipi = bag

kalupi = wallet


(IMG:style_emoticons/default/laugh.gif)

ung parang bayong pala iyon, . . (IMG:style_emoticons/default/smile.gif)


edi pwede rin magpakasal sina Elena saka Henyo? /hmm

pervert ba si Henyo?! (IMG:style_emoticons/default/blink.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
zash
post Dec 1 2006, 12:24 PM
Post #22





Group: Members
Posts: 617
Joined: 27-July 06
From: Cavite
Member No.: 2,215




Sana may mga updates pa ang story nakakacurious ang mga sunod n mga mangyyri (IMG:style_emoticons/default/biggrin.gif)
More power and stories especially this one red (IMG:style_emoticons/default/smile.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
assasin hiteki
post Dec 1 2006, 12:36 PM
Post #23


The Fanfare Archeologist


Group: Members
Posts: 1,968
Joined: 13-September 06
From: Las Piñas City
Member No.: 9,316




wahahahaha ang ganda nung story kuya redkinoko nakakaaliw. haha natandaan ko tuloy yung my little bride parang ganito rin nagyari except isa lang yung anak di dalawa wahahahahah
Go to the top of the page
 
+Quote Post
redkinoko
post Dec 1 2006, 09:16 PM
Post #24


I will stab you in your sleep.


Group: Moderator
Posts: 3,789
Joined: 23-July 06
From: Behind you. Really.
Member No.: 8




Kabanata 5: Multo at Plato

Binuklat ko muli ang sulat ni papa pagbalik ko sa aking kwarto. Sulat-kamay nya nga iyon at mukhang seryoso naman sya habang binabanggit ang tungkol sa kasal. Bumuntong hininga ako at nahiga sa aking kama. Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari?

Iniisip ko, kung pambibiro lang lahat ng ito, parang sobrang komplikado naman. Kung hindi naman sya biro, parang wala naman atang mawawala sakin kung may mangyari man o wala. Saka, hehe, pag iniisip ko, kahit na sino sa dalawa man kina Lea at Elena - pwede pa rin.

Bumangon ako mula sa aking kama na may bagong sigla. "Sige, bahala na!" sambit ko sa sarili ko. Sabay napalingon ako sa aking bintana na ibinukas ko kanina pagdating ko.

Bukas din ang bintana ng kapitbahay nila Lea - at may nakatitig sa akin na babae. Puti ang kanyang mahabang buhok at ang kanyang mata ay makislap na asul. Hindi sya kumikibo. Halos wala ring kulay ang kanyang labi at ang kanyang puting bestida ay pumapayagpag sa ihip ng hangin.

Maganda sya pero - pero - mukha syang...

"MULTOOOOOOOOO!" sigaw ko mula sa aking kama. Hindi na ako makakilos sa takot! Mukhang nagulat din yung babae at bigla nyang inekis ang kanyang mga mapuputing braso na ngayon ko lang napansin. Halos tagusan sa nipis na bestida - dapat kanina ko pa napansin yun ah?! Sinara ko agad ang kurtina habang napasandal sa poste sa kahoy na kwadra ng aking kama, humihinga ng malalim.

****, ang lakas ng tibok ng puso ko - ikamamatay ko na talaga ito. Kanina si Elena - ngayon naman may kapitbahay ata akong multo. Guniguni mo lang yan, Henyo, sabi ko sa sarili ko. Guniguni lang. Pano ba naman magkakamulto dito sa Izlude? At napakanda pang multo!

Pinilit kong kalimutan muna ang nangyari. Pag kinuwento ko iyon kahit na kanino sa bahay, tiyak pagtatawanan pa ako. Bad shot agad. Huminga ako ng malalim at minabuting bumaba na lang muna para maglakad-lakad.

------

Sa ibaba ng bahay, nadatnan kong naghuhugas ng plato si Lea - suot ang isang apron na pangkusina. Pinanood ko sya at nasilip niya akong pababa. Bigla syang bumaling ng tingin na para bang biglang nahiya. Binilisan nya ang pagbabanlaw ng plato.

Sa totoo lang, nahihiya rin ako dahil sa nangyari kanina. Sa tingin ko, hindi ko na lang muna babanggitin ang tungkol doon.

"Asan si Elena?" aking tanong. Nasa isip ko pa rin ang babae sa aking bintana pero medyo di na ako kinakabahan dahil kay Lea.

"May pinuntahan lang sa may pantalan. Si mama naman dumaan sa tindahan," sabi ni Lea na parang wala rin lang nangyari kanina.

Naalala ko ang sulat ni tatay. Dali-dali akong bumaba at dumeretso sa kusina. "Tulungan na kita dyan." Umiling si Lea pero bago pa man sya nakaimik, nagpupunas na ako ng napagbanlawan na.

"Sya, ipasok mo na lang yang mga napunasan na sa cabinet," pabuntung-hiningang sabi ni Lea. Tumango lang ako, sa totoo lang, wala talaga akong maisip na sabihin na hindi magdadala ng paksang tungkol sa kasalan.

Tahimik kaming naghugas ng plato - mga limang minuto rin. Tapos, si Lea na rin ang unang nagsalita ulit.

"T-tungkol sa kanina," aniya, "pasensya na. Nagulat lang talaga ako sa sabi ni Mama."

Pakunwari naman akong hindi nakakapansin na apektado nga sya. "Ah yun ba? Wag mo na lang pansinin yun. Iniisip ko nga pambibiro lang yun ni tatay. Wala naman silang magagawa kung ayaw natin diba?"

Lumingon sya sakin at nakangiting tumango. Shet, pero ang ganda talaga nya kahit nakapusod na ang mahaba nyang buhok at may bula ng sabon sya sa may ilong.

Kinuha ko ang aking panyo at pinunasan ang kanyang ilong. "Sabon," sabi ko. Nagpasalamat naman sya at nagpatuloy sa paghuhugas.

Bago ko pa napansin, tapos na agad kaming maghugas ng plato. Matagal-tagal pa rin bago maghapunan at mukhang wala na rin naman ako gagawin. Naisip ko, yayayain ko na lang si Lea maglakad-lakad. Gawain naman namin iyon dati pa sa Traubern.

"Gusto mong maglakad sa labas?" yaya ko. Winisik ni Lea ang kanyang basang mga kamay sa lababo at ipinahid ang kanyang mga palad sa likod ng itim niyang palda. Pinanood ko ang pagdampi nito sa kanyang mga pigi at kumorte kahit panandalian lang.

"Tara," wika ni Lea, "para naman hindi ka masyado maligaw pagkasimula ng pasukan bukas."

Tumango ako. Pwede na bang tawagin na date to? Hindi ata. Pero okay na rin. Basta ang importante, hindi na sya masyadong galit dahil sa sulat ng aking tatay.

Pero sa totoo lang, seryoso ba talaga yun? Di ko na lang inisip muna ulit. Mahirap na.
Go to the top of the page
 
+Quote Post
zash
post Dec 1 2006, 10:13 PM
Post #25





Group: Members
Posts: 617
Joined: 27-July 06
From: Cavite
Member No.: 2,215




Waiting for d continuation of d story im hooked up to this ok tlga ang gawa mo mr.red, kip it up (IMG:style_emoticons/default/wink.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
liureiyi
post Dec 2 2006, 10:38 AM
Post #26





Group: Members
Posts: 652
Joined: 30-July 06
From: Pasay City, Philippines!!! XD
Member No.: 3,647




hihihi salamat po sa update!

hindi ko mahulaan ang takbo ng kwento,..

abangan ko na lang ang mga mangyayari kapag sabay na silang pumasok sa paaralan, . . (IMG:style_emoticons/default/biggrin.gif)

OT: W:FSP nakalimutan na kaya? (IMG:style_emoticons/default/sad.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
:+:KING.HENRY:+:
post Dec 2 2006, 02:41 PM
Post #27


• I defy reality •


Group: Members
Posts: 1,286
Joined: 12-October 06
From: ♪__•PLUTO•__♪ Server: ♪__•FREYA•__♪
Member No.: 11,346




hehehe.. astig! un lang po (IMG:style_emoticons/default/tongue.gif)

ay meron pa pala.. pansin ko lang malalalim un tagalog mo medyo nagtaka lang ako nun nabasa ko un word na swordie.. siguro mas ok kung mananandata nalang (IMG:style_emoticons/default/smile.gif) tapos sabi mo mabigat un dala mo na bag tapos biglang tampipi.. uhmmm parang medyo malayo lang.. kasi ang naisip ko sa bag backpack.. hehe sira na ata ulo ko (IMG:style_emoticons/default/smile.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
redkinoko
post Dec 2 2006, 07:48 PM
Post #28


I will stab you in your sleep.


Group: Moderator
Posts: 3,789
Joined: 23-July 06
From: Behind you. Really.
Member No.: 8




QUOTE(:+:KING.HENRY:+: @ Dec 2 2006, 02:41 PM) [snapback]304888[/snapback]

hehehe.. astig! un lang po (IMG:style_emoticons/default/tongue.gif)

ay meron pa pala.. pansin ko lang malalalim un tagalog mo medyo nagtaka lang ako nun nabasa ko un word na swordie.. siguro mas ok kung mananandata nalang (IMG:style_emoticons/default/smile.gif) tapos sabi mo mabigat un dala mo na bag tapos biglang tampipi.. uhmmm parang medyo malayo lang.. kasi ang naisip ko sa bag backpack.. hehe sira na ata ulo ko (IMG:style_emoticons/default/smile.gif)

Di ko naman talaga gusto maging malalim yung gamit ko na Tagalog ginamit ko yung swordie para hindi na masyado malito pa yung nagbabasa, RO term eh. XD Saka mabigat din ang tampipi pag maraming laman (inaalala ko lang yung nagamit ko dati). Anywayz, thanks for reading. Here's da next chaptah.


Kabanata Anim: Lipad!

Tumuloy kami ni Lea sa Plaza del Marin, isang parke na malapit sa papasukan naming paaralan. Hindi karamihan ang mga tao doon, at kung mayroon man, kadalasan mga estudyanteng nagpapahinga lang galing sa kanilang pagsasanay sa Swordsman Guild.

Pinapanood ko ang galaw ni Lea habang naglalakad-lakad kami. Buo ang kanyang mga hakbang at matipuno ang kanyang paninindigan - para na syang isang knight kung iisipin mo. Isang napakagandang knight na pang-prinsesa ang mukha.

Nabanggit na rin sa akin ni Elena dati na sikat daw si Lea sa kanyang paaralan sa Prontera. Bukod sa isa sya sa pinakamahusay sa paghawak ng espada, marami na rin daw nanligaw sa kanya dahil sa taglay nyang ganda. Di naman nabanggit kung ano ang nagyari sa mga ito, pero malamang naturn-off lang sila sa ugaling lalaki ni Lea. Natawa na lang ako mga iniisip ko.

"Sya nga pala, unang araw mo na rin bukas sa pagsasanay hindi ba?" banggit ko kay Lea. Tumango sya. "Oo, napabilis kasi ang pagtapos ko sa pangunahing pagsasanay sa Prontera kaya inirekumenda na nila ako agad dito. Mukhang magsasabay tayo, Henyo."

Bumuntong hininga si Lea. Nagulat naman ako sa reaksyon nya. E samantalang dati, sabay pa nga kami maligo. (dati yun ha) "O e bakit naman may pabunto-buntong hininga ka pa dyan?" reklamo ko.

"Bakit ba?" pananaray naman ni Lea. Biglang napatigil si Lea, mukhang nagulat din sya sa lakas ng kanyang sagot. Napansin din sya ng mga tao sa parke.

Para bang nahiya, bigla nyang hinawakan ang braso ko at kinaladkad ako papunta sa isang batuhang burol na malapit sa parke. Napaligiran ako agad ng puno habang pinilit kong hindi madapa sa bilis ng takbo ni Lea.

"San mo ba ako dadalhin?!"

Bago pa man sya sumagot, dumating kami sa isang lugar na wala masyadong puno. Tumingin ako sa aking mga paanan at buong gulat na nakitang nasa mataas na palang lugar kami na nakatapat sa Paaralan at dagat. Napadapa ako sa takot - pakiramdam ko mahuhulog na ako.

"Dito," sabi ni Lea habang may hinawakan sya sa likod ng kanyang pusod. "Dito?" aking tanong.

Hinaltak ni Lea ang kanyang pulang aguetas na nagtatali sa kanyang buhok. Lumipad sa hangin ang mahahabang buhok ni Lea na parang ginto sa pagkinang.

"Dito ako pumupunta para magisip. Wala masyadong pumupunta dito at masarap ang simoy ng hangin. Ito ang tambayan ko dito sa Izlude."

Natuwa ako dahil pinakita nya sakin ang lugar na iyon. Hindi naman pala ganun kasama ang kanyang ugali - medyo mataray lang talaga.

"At pag-sinabi mo sa ibang tao kung saan itong lugar na ito," matapang na sabi ni Lea na parang naninindak, "malilintikan ka talaga sa akin."

Napakamot na lang ako ng ulo. Mataray nga. Naalala ko nanaman ang sulat ni Papa. "Tungkol nga pala sa sulat," sabi ko. Napalingon agad si Lea, taas ang isang kilay.

Lumunok ako ng laway bago nagsalita ng muli. "Wag na lang natin sabihin kahit kanino sa klase ang tungkol dito para hindi magulo."

Di ko na narinig nag sagot ni Lea. Pumikit ako at dumilat. Pagdilat ko, nasa lupa na ako, nakasubsob sa buhangin at dinadaganan niya ako.Pali-palipit ni Lea ang isa ko ng braso kaya hindi ako makagalaw. Magaling nga sya!

"Aray! Ano bang problema mo?!"

"Hindi lang ganito ang mangyayari sayo pag binanggit mo ang tungkol sa sulat bukas. Sayang naman ang reputasyon ko kung may makakaalam na posible akong makasal sa iyo! I swear, papatayin talaga kita!"

Posibleng makasal? Ibig sabihin ba nun, medyo sineseryoso na nya ang laman ng sulat? Inalis ko muna iyon sa aking isip - ayaw ko muna magpatalo. Nagpumiglas ako at pinilit pumawala gamit ang kaliwa kong kamay. Hinanap ko ang kanyang balikat mula sa aking likod, pinipisil ang bawat kanto ng kanyang braso para makita kung nasaan ito.

Hanggang sa may nakapa ako. Malambot.

Hindi sya braso.

Hindi rin balikat.

Tumili si Lea at biglang bumitaw. Namula bigla ang aking mga pisngi nang maisip ko kung anong nagawa ko. Syet. Totoo ba talaga yun? Malabot nga pala talaga.

Mangingiti na sana ako sa nangyari ng bigla na lang naramdaman ko ulit ang mga malalakas na kamay ni Lea na lumapat sa aking braso at ibinalibag ako palayo sa bangin.

Bago ko pa man nalaman, nahuhulog na ako papunta sa tubig na mabilis na lumalapit sa aking paningin.

Patay na. HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY!
Go to the top of the page
 
+Quote Post
assasin hiteki
post Dec 2 2006, 07:58 PM
Post #29


The Fanfare Archeologist


Group: Members
Posts: 1,968
Joined: 13-September 06
From: Las Piñas City
Member No.: 9,316




error lang po

QUOTE
"Sya nga pala, unang araw mo na rin bukas sa pagsasanay hindi ba?" banggit ko kay Lea. Tumango sya. "Oo, napabilis kasi ang pagtapos ko sa pangunahing pagsasanay sa Prontera kaya inirekumenda na nila ako agad dito. Mukhang magsasabay tayo, Henyo."


umm dba dapat tumango ako?
Go to the top of the page
 
+Quote Post
assasin hiteki
post Dec 2 2006, 08:11 PM
Post #30


The Fanfare Archeologist


Group: Members
Posts: 1,968
Joined: 13-September 06
From: Las Piñas City
Member No.: 9,316




oh sorry nahilo lang po ako pakidelete na lang po mga mods
Go to the top of the page
 
+Quote Post

5 Pages V   1 2 3 > » 
Reply to this topicStart new topic

 



RSS Lo-Fi Version Time is now: 3rd September 2010 - 09:05 PM