IPB





Welcome Guest ( Log In | Register )

15 Pages V   1 2 3 > »   
Reply to this topicStart new topic
> Paano Kung Mahal Kita..., Tatanggapin mo ba?
Kishuku Sou
post Feb 11 2007, 07:39 PM
Post #1


Fan Fare's Dark Knight TMR's Official Psychologist F


Group: Members
Posts: 2,119
Joined: 5-February 07
From: Kingdom of Nocturne aka: Roland St. Jazalie XVII Rank: KNIGHTs 1st Class Order: KNIGHTs Elite Ultimate Atk: Aure Voir Race: Vampire
Member No.: 20,310




First Timer sa New RB magsulat. Sana may magbasa kahit dal'wa lang, labas na si muning at si tagpi do'n. (IMG:style_emoticons/default/biggrin.gif)

Paano Kung Mahal Kita…
By: Kishuku Sou


Malamig ang panahon ngayon, masarap ang ang pag-ihip ng hanging nagpapasayaw sa mga dahon ng malilibay na puno. Sa palagay ko ay mag-aalas-kwatro na, hindi ko alam kasi wala naman akong wristwatch. Sira na rin kasi. Ah teka, may cellphone nga pala ako, tingnan natin. Tama. Alas kwatro na nga, sakto lang.

Napapasulyap ako sa gilid ng iskinitang nilalakaran ko, may malaking bakanteng lote ‘to sa gilid na puro damo lang. Medyo may kataasan na ang mga damo at palagay ko ay hanggang bewang na ang mga ito at ang araw naman ay nagbibigay ng mahinang sinag, hudyat ng papalapit na paglubog nito. Masarap pa rin ang hangin, malamig at hinahayaan nitong tangayin ang aking buhok. Hindi pa nga pala ako nagpapagupit, mag-dadalwang buwan na rin pala kaya may kahabaan na.

Sa harap ko ay mga taong tahimik lang din na naglalakad, waring nagmamadaling umuwi, ang iba, ninanamnam pa ang pakiramdam sa buong paligid, minsan lang naman din kasi maging ganito kalamig sa hapon lalo na ngayong nag-uumpisa na namang uminit.

Dal’wang dalagita ang aking nakasalubong, masaya silang nag-uusap at wari ko’y pasulyap-sulyap sa akin, hindi ko sila matingnan dahil matiim ang tingin ko sa aking harapan. Nilalampasan ng aking malulungkot na mata ang kanilang pigurang waring nagbubulungan, ayoko ng gano’n, ewan ko ba, pakiramdam ko ako ‘yong pinagbubulungan nila. Oo, ako nga.

“Kuya,” bati ng isang dalagita na may mahaba at maalong buhok.

Tumigil ako sa paghakbang dahil sa kaniyang pag-antala sa akin, nilingon ko siya at bahagyang inayos ang aking salamin.

“Ano ‘yon?”

“Kuya, pwede po bang magtanong?” wika naman niyang mukha ay nababahiran ng hiya at pagka-ilang.

“Kayo po ba si…” tumigil siya sa pagsasalita at tumungo ng kaunti at bumalik ang tingin sa akin. “Kayo po ba si Kishuku Sou?” pagtatapos niyang nangingislap ang mga mata, sa kaniyang kamay ay isang malinis na papel at may nakaguhit na larawan.

Teka, ako gumuhit no’n ah? Bakit…teka…

“Paano mo naman nasabi na ako si Kishuku Sou?” sagot ko sa kaniya, inayos ko uli ang aking salamin at itinutok sa hawak niyang papel.

“Kasi eto ‘o”, ipinakita niya sa akin ang papel, kasing laki lang ‘to ng short bond paper, makinis at sadyang ginawa para sa pag-guhit ng mga larawan. Naroon ang aking iginuhit, Si Kishuku Sou, naka-side view, hawak ang mukha ng isang kamay, nakapikit at waring iiyak. Kitang kita ang kalungkutan sa larawang ‘yon, isang tingin mo lang ay masasabi mong nalulungkot siya. Parang iniwan ng kasintahan, sa gilid nito ay ang kaniyang pangalan. “Si Mr. Lamento lang daw kasi ang gumagawa ng ganito, nag-turo siya minsan do’n sa pinag-aaralan naming high school e bigla siyang lumipat.” Pagpapaliwanag niya “Galing ‘to sa ate ko, hinahanap niya kasi si Mr. Lamento. Ang laki laki kasi ng paghanga niya sa teacher na ‘yon, bata pa raw at ku1nti lang daw ang tanda sa kaniya, matalino raw kaya madaling nakatapos at nakapagtrabaho.” Pagtatapos niya.

“Paano mo namang nasabi na ako ‘to?” tanong ko namang ibinabalik ang guhit sa kaniya.

“Kasi kamukha niyo po kasi, kamukhang kamukha niyo.” sagot naman niya, niyakap na niya muli ang papel sa kaniyang dibdib. Naku, baka malukot.

“Ako si Mr. Lamento, Hija.” Sa unang pagkakataon ay gumuhit ang isang kuntentong ngiti sa aking labi. “Pakisabi kay ate mo na maraming salamat at paki-kamusta mo na lang ako sa kaniya. Anong pangalan ba niya?” sambit kong marahang hinahawakan ang kaniyang balikat.

“Rowena po.”

“Pakisabi kay ate Rowena mo na kinukumusta ko siya, nagtuturo na ako ngayon sa isang private school sa marikina. Hamo, dadalawin ko uli ang eskwelanahan niyo para naman makita ko ang mga naging estudyante ko doon.”

“Opo.”

“Ano uli ang pangalan mo hija?”

“Rosalina po, hayaan niyo po sasabihin ko kay ate.”

“Sige, mauna na ako sa inyo. Nice meeting you Rosalina, ingat na lang kayo.” Paalam ko sa kanila at agad namang silang tumango at nagpa-alam na rin. Isang malungkot na ngiti naman ang gumuhit sa aking labi, pinagmasdan ang dalawang maliit na pigurang naglalakad palayo sa akin.

“Ang mga estudyante kong nabigo ko, hinahanap pa rin pala ako.” Bulong ko sa sarili.

Humakbang na akong muli, matigas na naman ang ekspresyon ng aking mukha at patuloy na umiikot sa aking isipan ang masasayang mukha ng aking mga estudyante sa paaralang ‘yon.

Nakalimutan ko pa lang magpakilala, ako nga pala si Dylan Lamento. Bente anyos at isa nang ganap na guro sa high school. Nagtataka kayo siguro kung bakit ang bata ko para maging isang guro? Mahabang kwento pero sabagay, wala namang mawawala kung bibigyan ko kayo ng kaunting background sa akin. Ilang beses ako na-accelerate no’ng nasa high school ako. Naka-graduate ako sa elementarya sa tamang edad, dose in short at nakapagtapos naman sa high school sa edad na labing apat, dal’wang beses akong na-promote at lumaktaw kaya gano’n. Labing walong taon ako no’ng magtapos ako sa kursong BS Education sa UP Diliman. Dahil masiyado pa akong bata para magturo at baka magkaroon ng issue sa aking pagkuha ng lisensya sa pagtuturo kung maipasa ko ang L.E.T. o licensure exam for teachers, ay nagpalipas muna ako ng ilang buwan bago kumuha. Bata pa naman ako kaya ok lang.

Naipasa ko naman ang L.E.T. at nakakuha ng lisensya para magturo at ang una ko ngang napasukan ay isang public school dito malapit sa amin. Lahat sila nagtaas ng kilay ng makita nila kung gaano ako kabata, biniro pa nga ako no’ng isang guro na baka mag-e-enroll daw ako at hindi mag-a-apply na teacher sa kanila. Nagturo ako ng mga anim na buwan lang sa kanila, hindi ko na rin matiis ang mga parinig ng iba kung kasamahan kaya naman nagpasya na akong mag-resign.

Lumipat ako kung saan ako nakapagtapos ng elementarya at high school at doon naman ay mainit akong tinanggap ng mga dati kong guro. Maluwag ang pagtanggap nila sa akin at hindi katulad ng mga naranasan ko sa eskwelahan no’ng nag-aaral ako at nang magturo na ako, dito ay parang bunsong kapatid ang turing nila sa akin. Minsan pa nga ay anak na rin.

Pero marami akong natutunan sa buhay nang isang araw ay bumalik sa buhay ko ang isang dating ka-klase, ang babaeng nagpakita sa akin na hindi nadadaan sa talino ang lahat at hindi mo kailangan ng talino para maintindihan mo kung ano, paano ang magmahal ng lubos. Nasaan na siya? Wala na siya e, iniwan ako. Masiyado nang mahabang kwento kong pati ‘yon e ikekwento ko pa, sa ngayon ‘yan muna ang pakilala ko sa inyo.

Ako uli si Dylan Lamento, 20, isang guro at…



Nakalimutan ko nga palang ilarawan ang itsura ko. Memory gap. Sorry. Paano ba ‘to? Hindi ako magaling sa paglalarawan ng mga bagay bagay e, pero subukan ko na rin. Matangkad ako, pero lagyan mo ng daw ‘yon sa pagitan. 5’10 ako, Moreno, may magaganda DAW at malulungkot na mata, hindi gaanong katangusang ilong, makapal na kilay na bumabagay sa aking may pagkamatapang na mga mata. Tama lang ang bulas ng pangangatawan ko, hindi mataba at hindi rin naman payat. Ok lang. Mukha raw akong bumbay sabi ng karamihan, gwapong bumbay naman no’n. Pero kadalasan akong naikukumapara sa isang Alfonso Herrera, kung sino ‘yon aba’y malay ko rin. Kung kapatid ba ni Jordan Herrera o ni Mark Herrera e hindi ko alam. Herrera ba ang surname ni Mark? ‘Yong Ex ni Jenelyn? Ah? Herras ba? Sorry. Showbiz kasi kaya wala akong alam. Siguro tama na ‘yon para ma-imagine niyo kung ano itsura ko?

Papasok nga pala ako sa school ngayon, may klase kami ngayon kahit sabado. Nagbabawi kami ng klase pero shortened period, mamaya pa e makikita mo na rin kaming lumalabas, lalo na ako, madalas kong makasabay umuwi ang mga estudyante ko.
Saan ang tambayan namin? Siyempre diretso sa internet shop, weird ko ano? Teacher na teacher pa naman pagkatapos ako pa ang mauuna sa computer shop at pinangungunahan ang mga estudyante ko. Sabagay, bata pa rin naman ako kaya gano’n. Do’n lang din ako palaging nabubutasan sa trabaho, pero sabi ko nga sa inyo, masaya ako dito sa napasukan kong school.

Laro? DOTA? Siyempre, sila DOTA ng DOTA pero ako, iba pinagkaka-abalahan ko ngayon. Ragnarok. Ilang taon na rin ba ‘tong RO? Matagal na rin pero hindi ako nagkaroon ng chance na laruin ‘to no’ng nasa pag-aaral pa ako para maging guro. Puro aral ang inatupag ko no’n, kunting text text, PS2 at siyempre babae.

Love life ko? ‘Wag mo na rin itanong, masalimuot din kasi. Gaano kasalimuot? Ok, sige bigyan kita ng ideya, kasing salimuot ng binigay mo na ang lahat para maging convenient lang ang relationship niyo para sa kaniya pero ipagpapalit ka lang sa broke back. Kuha mo na? Ok, good. Dahil kung hindi, pasasagasaan kita dito sa dumadating na Jeep.

Sasakay na nga pala ako, wala ang kotse ko ngayon, sira e. Pinapaayos ko dahil may kung anong pumutok doon sa may manibela, buti hindi ako naaksidente. So paano, late na naman ako? Mauuna na muna ako sa inyo dahil may klase pa ako.


Go to the top of the page
 
+Quote Post
Kishuku Sou
post Feb 11 2007, 07:53 PM
Post #2


Fan Fare's Dark Knight TMR's Official Psychologist F


Group: Members
Posts: 2,119
Joined: 5-February 07
From: Kingdom of Nocturne aka: Roland St. Jazalie XVII Rank: KNIGHTs 1st Class Order: KNIGHTs Elite Ultimate Atk: Aure Voir Race: Vampire
Member No.: 20,310




Totoo po ba?



Tahimik ang lahat sa loob ng kwarto, lahat ng ulo ay nakatungo at nakasubsob sa kanilang ginagawa. Ako naman ay tahimik na nagmamasid sa kanila mula dito sa teacher’s table, may ibang ulong umaangat pero sandali lang ‘yon, waring kumukuha lang ng hangin bago uli lumusong sa kung ano man ang ginagawa nila.

“Nakakabaliw naman.” Bulong ng estudyante ko sa harapan.

“Oo nga.” Sagot naman ng kaniyang katabi, pakamot kamot ng ulo at halatang nabubugnos na.

Bahala kayong mabaliw diyan, ani ko sa sarili kong ngumingise.

Binigyan ko lang sila ng isang problem, pero hindi siya math problem na kailangan mong mag-solve ng mag-solve ng mga numero. Isang pala-isipan lang naman ang ibinigay ko para masukat kung anong klase sila mag-isip. Pinaghalong essay, problem solving at logic ang test ko sa kanila kahit napagtripan ko lang ‘yon. Weird talaga ako at kadalasan, sadista rin kung magpasakit ng ulo ng mga estudyante ko. Oo aaminin ko, loko ako pagdating sa mga ganiyan pero kahit naman literal na mag-umpog sila ng ulo sa pader at duguin ang kanilang mga utak para maintindihan ang mga ibinibigay ko sa kanilang aralin ay hindi nila ‘yan matututunan sa kahit anong libro at sa kahit sinong pilosopo. Kahit pa hindi naman talaga kasama sa lessons namin ang mga ipinagbibibigay kong ideya sa kanila para ma-absorb nila.

Hindi niyo na ako maintindihan ano? Gano’n naman talaga ang mga katulad ko, hindi sineseryoso kasi matalino raw. Ewan ko ba, pero sa pagkaka-alam ko ang mga taong hindi maintindihan ng mga taong nakapaligid sa kanila, sila pa ‘yong nakakakita ng mga bagay na palaging namimiss ng mga taong makita. Isipin niyo na lang si Dante at si pilosopo tasyo. Pwede mo na akong ihanay do’n.

“Sir tapos na po ako.” Bati sa akin ng estudyante kong babae, humahakbang na siya patungo sa akin at napapagmasdan ko ang kaniyang mga kaklaseng hindi makapaniwalang natapos na agad ni Laila ang ibinigay kong problema.

“Good,” tumayo ako sa table at inabot ang papel ni Laila. Sinuri ko agad ‘to at ako’y namangha kung ano ang isinagot niya.

“Magaling, maari ka ng umuwi.” Wika ko kay laila na pangise-ngise sa kaniyang likod.

“Dito na lang po muna ako, Sir.” Sagot niya naman sa aking bago siya bumalik sa kaniyang upuan sa may bandang gitna sa gilid, malapit sa bintana.

Napasulyap ako ngayon kay Maricar na naka-angat na rin ang ulo at pinagmamasdan ako at ang kaniyang mga kaklase. Parang nananantiya sa paligid kung tatayo na ba siya o ano, bumabaling siya sa kaliwa at kanan, sa kaniyang papel at balik sa akin.

Tapos na siya sa tingin ko. Umaayos ako ng pagkakasandal sa table at nilingon ang kaniyang direksyon malapit sa pintuan.

“Ms. Mercader?” bati ko sa kaniya, halatang nagulantang siya sa aking pagbati at hindi niya malaman kung anong gagawin niya sa aking pagtawag.

“Sir?” puno ng pag-aalinlangan ang kaniyang tinig. Tila namumula pa sa hiya. Nagmana talaga sa kaniyang ate.

“Are you through?” pinag-ekis ko ang aking mga braso sa dibdib at matiim na tumitig kay Maricar na parang isang pagong na gusto nang magtago. “May I see your paper?”

“Opo.” Mahiyaing sagot niya at agad naman siyang tumayo, dahan dahang humakbang at palinga-linga sa buong klase. Kuhang kuha niya kung paano maglakad ang kaniyang ate, ewan ko ba kung bakit hindi sila gaanong magkamukha.

Inabot ko ang papel niya, tiningnan ito at agad na kinuha ang aking red pen. Nanatili siyang nakatayo malapit sa akin at sinisipat sipat ang aking isinusulat sa kaniyang papel. Inabot ko na uli sa kaniya ang papel, gaya kanina, mahiyain na naman niya ‘tong tinanggap at nagpasalamat. Nginitian ko lang naman siya at bumaling na muli sa pagmamasid sa iba ko pang mga estudyante.

“Ah sir?” nilingon ko uli si Maricar na tumawag sa akin.

“Yes, Ms. Mercader?”

“Ah kasi po, pwede po bang dito na lang din muna ako?”

“Walang problema d’on, basta ‘wag mo na lang guluhin ‘yong iba pang gumagawa.”

“Opo.”

Naupo naman siya at inilabas ang kaniyang cellphone, sumulyap uli siya sa akin at nahuli niya akong nakatingin. Shet~! Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero nangite na lang ako, siya naman ay isang mahiyaing ngite ang ipinakita sa akin. Mahiyaing medyo mapaglarong ngite sa totoo lang. Ano kayang iniisip nitong batang ‘to?

Bumaling na ako sa bintana at nagmasid sa labas, bumalik sa aking ala-ala na dati rati ay narito rin ako, nagmamasid sa bintana at binubusog ang utak ko ng mga ideya para sa aking pagsusulat noo’n. Pero isang estudyante pa ako no’n at nagsusulat para magkaroon ng magagandang grado at isinasantabi ang mga kalokohan sa pagsusulat para sa aking grado. Grade conscious kasi ako e. Pero dati ‘yon.

“Mr. Lamento?” tawag ng isang babae mula sa pintuan, nilingon ko naman kung sino ang bisita namin at tama ang hinala ko. Si Ms. Santos.

“Yes ma’am?” magalang kong sagot sa aking paghakbang palapit sa kaniya.

“Ikaw na raw ang magiging adviser ng section na ‘to, nag leave si Mrs. Andal dahil may aasikasuhin daw.” Ika niya, iniaabot ang isang sulat at isang memo. Una kong binuklat ang memo at nagulat ako dahil ako na nga ang magiging adviser nitong mga lintik na mga batang ‘to sa mga susunod na buwan hangga’t wala si Ma’am Andal.

Nilingon ko uli si Ms. Santos at isang nakakalokong ngite ang umaninag sa kaniyang matabang mukha.

“Paano ‘to ma’am?” protesta ko sa kaniya.

“Wala ka pang advisory class kaya ayan, binigyan ka na. Tsaka ikaw ang pinili ni Flor at alam naming kaya mo ‘tong mga ‘to.” Sabi niya sa akin habang pinadadaanan ng mabilis na tingin ang mga estudyante. “Ngayon ko lang nakitang natahimik at naging ganito kaseryoso ang section Dao.”

Matutunog na hagikgikan ang sumunod doon mula sa mga estudyante kong nag-umpisa nang magbulungan.

“Sir, ok lang sa amin na ikaw muna adviser namin.” Bati naman ng estudyante kong lalake sa likod, ang siga ng klase.

“Tinatanong ka?” banat ko naman sa kaniya na agad nakapagpatahimik at nagpa-upo sa kaniya.

“Kita mo, ikaw lang nakakapagpatiklop diyan kay Israel.” Patawa-tawa namang sambit ni Ms. Santos sa akin. “O section Dao, ok lang na si Mr. Lamento na ang tatayong tatay niyo mula ngayon?” baling naman niya sa mga bata.

“Opo~!” Masiglang sagot ng mga bata kay Ms. Santos na pangise ngise naman sa akin.

“Pagsisisihan niyo ‘yan.” Sagot ko naman sa buong klase, at isang sarkastikong ngite ang gumuhit sa aking labi.

---
Nag-umpisa na silang umuwi at ang iba naman ay naka-upo pa rin at nagdadaldalan lang, ako naman ay nagche-check ng mga sagot nila dito sa mesa. Hindi ko na sila napapansin dahil sa mga sagot ng ilan na nakapagpatawa sa akin, ang iba ay nakuha ang atensyon ko at ang iba naman ay walang kapararakan. Pero kahit papaano alam ko kung sino ang may pag-intindi sa mga bagay bagay na madalang sa kanilang edad.

“Bye, Sir” pailan ilang paalam sa akin ng mga umaalis at bago pa man sila maubos sa pag-alis ay natapos ko ng check-an ang mga papel nila. Tumayo na ako at inayos ng mabuti ang mga papel nila, inayos ko na rin ang dal’wang folder at chalk box kong bihira ko naman gamitin. Dictation ako e. Ayoko magsulat sa blackboard dahil magmemedisina talaga ako kaya imagine niyo na lang kung ano itsura ng sulat ko.

Natapos ko nang ayusin ang lahat at ini-angat ko na rin ang aking tingin para sulayapan kung sino na lang ba ang mga naiwan. Lima na lang sila, ang magbabarkadang si Jerry, Lucas at si Michael na masayang nag-uusap, si Louise naman na naglalagay pa ng make up, teka make up ba ‘yon o foundation? Whatever. At si Maricar na nakapangalumbaba at nakatitig sa kawalan.

“Uwi na mga bata batuta.” Pabiro kong bati sa kanila.

“Sir, sama ka sa amin? Ragnarok tayo? PvP trip lang po.” Sagot naman sa akin ni Jerry.

“Oo nga, Sir.” Sang-ayon naman ni Michael.

“Mauna na kayo do’n, marami pa akong gagawin e. Dadaanan ko pa ang sasakyan ko sa pagawaan.” Mahinahon kong tanggi sa kanila. Sinulyapan ko naman si Lucas at si Louise na nagtutulungan sa pag-aayos ng gamit nila, si Maricar naman ay hayo’n, nakatunganga pa rin. Naengkanto ata.

“Hindi niyo gayahin si Lucas o,” bati ko uli sa dal’wang binatilyo sa aking harapan. “Gentleman, kasyo puro kayo laro, kungdi RO, DOTA, kungdi DOTA, Ran.”

“E Sir, baby pa kami e, wala pa kaming panahon sa girls.” Sagot sa akin ni Michael.

“Hala, uwi na tayo.” Akit ko sa kanila. Mabilis naman nilang kinuha ang kanilang mga bag at lahat kami ay masayang lumabas sa pinto ng classroom pwera kay Maricar. Napansin kong kanina pa siya tahimik kaya naman siya na ang inatupag ko total magkausap sila Michael at Jerry at magkausap din si Lucas at si Louise.

“Tahimik ka ata, Maricar?” usisa ko.

“Ah Sir, wala ‘to, napapa-isip lang.”

“Kuya Dylan na lang, wala na tayo sa klase.”

“Kasi po…”

“Sir~!” Naputol ang usapan namin sa isang malakas na sigaw ni Michael, agad ko siyang nilingon na may tingin ng pagka-inis

“Mauna na kami sa inyo, x3 raw pala ngayon, papa-level lang ng character.” Masigla niyang salubong sa akin, medyo nawala ang pagka-inis ko dahil sa balita niya.x3 pala nga ngayon kaya makakapag-palevel up ako ng character ko mamaya.

Pagkatapos ng anunsyong ‘yon ay mabilis na nawala si Mike at si Jerry sa may hagdan, si Lucas naman at si Louise ay bumaba na rin kaya kaming dal’wa na lang ni maricar ang naiwang naglalakad sa 2nd floor ng building na ‘yon. Padaan pa kasi ako sa faculty room na nasa parehong palapag at si Maricar naman ay tila kailangan pa akong kausapin.

“Ano uli ‘yon, Maricar?” balik ko sa kasama

“Ah kasi po, gusto ko lang po itanong?” Puno na naman ng pag-aalinlangan ang kaniyang tinig, bahagya siyang nakatungo at mukhang walang balak akong lingonin.

“Ano ‘yon?”

“Si ate po…” Hindi nagbago ang kaniyang tinig bukod sa humina ‘to ng kaunti, lalo kong naramdaman ang tension sa kaniyang tanong na ibabato. Tungkol pa sa ate niya. Kaya lalong sumakit ang tiyan ko sa kaba ng marinig ko ang salitang ‘ate’ sa kaniya.

“Ano ang tungkol kay ate mo? Buong tapang kong pagtatanong kahit na butyl butyl na ang pawis sa aking noo. Sa totoo lang e gusto ko nang kumaripas ng takbo sa sobrang kaba. Naghahalo-halo na nga nararamdaman ko ngayong narinig ko pa lang ang ‘ate’ sa kaniya, takot, kaba, sakit, galit lahat na. Blender ako ngayon ng iba’t ibang emotion, kaya ang labas ko? Eto, parang shake na halo-halo flavor.

“Totoo po bang naging kayo ni ate ko?” Napanganga ako nang marinig ko ‘yon. You got me, you got me aahggg… Patay na si Dylan. Pero kailangan kong lumaban dahil kung hindi, mapapahamak ako sa mga isasagot ko, hindi lang ako, pati ang ‘ate’ niya.

“Ah ‘yon? saan mo narinig ‘yan?”

“Sa kaniya po,” napalulon ako ng matindi, palagay ko nga e nawala ang pagkamoreno ko at namutla ako sa kaba. “Narinig ko po kasi siya no’ng minsang kausap niya ‘yong kaibigan niya sa telepono.” ‘Yon lang, lalo akong kinabahan at lalo akong nasaktan. Sa tiyan. Hindi naman sa kailangan kong magbanyo pero parang hinahatak pababa ang bituka ko sa t’wing may maririnig akong tungkol sa kaniyang ate, o kaya e may naaalala ako sa kaniyang ate.

“Ah gano’n ba?” Hindi ko alam ang isasagot ko, nakatutok lang ang mga mata ko sa sahig ng corridor na ‘yon at pinakikiramdaman ang sunod niyang sasabihin.

“Totoo po ba ‘yon?” tanong niya muli, pero ngayon, hinawakan na niya ako ng mahigpit sa braso. Parang walang balak bitawan ang braso ko hanggang hindi ako sumasagot. Itinaas ko ang tingin ko sa kaniya at sinalubong ng malulungkot kong mga mata ang kaniyang waring nagtatanong at punong puno ng pag-aalinlangan.

“Totoo po ba?”
Go to the top of the page
 
+Quote Post
emokanzaki
post Feb 11 2007, 08:38 PM
Post #3





Group: Members
Posts: 27
Joined: 2-January 07
Member No.: 18,127




gandang Fic nmann im looking for more updates in the following days.. more power Kishuku-san! BTW your sig was derived from the Movie *Kingdom of Heaven* if im not mistaken? Great Movie Idol ko ung Ideology nya.. /no1
Go to the top of the page
 
+Quote Post
agentz
post Feb 11 2007, 08:40 PM
Post #4


Human sign: Slash of Eternity


Group: Members
Posts: 7,282
Joined: 26-July 06
From: Beyond the boundaries of fantasy and reality
Member No.: 1,577




a school teacher life.

interesting. reminds me of GTO
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Kishuku Sou
post Feb 11 2007, 09:54 PM
Post #5


Fan Fare's Dark Knight TMR's Official Psychologist F


Group: Members
Posts: 2,119
Joined: 5-February 07
From: Kingdom of Nocturne aka: Roland St. Jazalie XVII Rank: KNIGHTs 1st Class Order: KNIGHTs Elite Ultimate Atk: Aure Voir Race: Vampire
Member No.: 20,310




@emokanzaki

Yep, my favorite movie ever. Nakabisado ko na nga halos lahat ng quote do'n e hahaha~!! (IMG:http://i41.photobucket.com/albums/e274/japone99/heh1.gif)

@agentz

GTO? Hmmm its more like of ITL...ano ang ITL? Insane Teacher Lamento. Hahaha~!! (IMG:style_emoticons/default/biggrin.gif) (IMG:http://i41.photobucket.com/albums/e274/japone99/heh1.gif)

Salamat sa pagbabasa, baka mamaya lang e may update na rin yan... take note, baka. (IMG:style_emoticons/default/laugh.gif)

Thank you again. (IMG:http://i41.photobucket.com/albums/e274/japone99/no1-1.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
raija kisanagi
post Feb 11 2007, 10:07 PM
Post #6





Group: Members
Posts: 501
Joined: 5-December 06
From: Marikina
Member No.: 16,016




wah! d n koh ung una... haaiz... oh well.. nywayz... bitin... it barely scratched the surface... pro k lng... first post p lng nman eh... weird old fashioned name pro i lyk dylan... hehehe! nxt post!!!
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Kishuku Sou
post Feb 11 2007, 10:29 PM
Post #7


Fan Fare's Dark Knight TMR's Official Psychologist F


Group: Members
Posts: 2,119
Joined: 5-February 07
From: Kingdom of Nocturne aka: Roland St. Jazalie XVII Rank: KNIGHTs 1st Class Order: KNIGHTs Elite Ultimate Atk: Aure Voir Race: Vampire
Member No.: 20,310




Hindi ka pa ba nagsawa sa blog ko ha my dear? hak~! Mas astig 'yon kasi true to life~! Wahahahaha~!! (IMG:style_emoticons/default/laugh.gif)

Don't worry my dear, next time, ikaw na siguro mauuna. (IMG:http://i41.photobucket.com/albums/e274/japone99/kis.gif)

And about the names...I'm having problems regarding names, hindi ako maka-isip ng medyo matino eh..hehehe~! Baka next na ma-encounter niyo diyan ay Genoveva o kaya Candida~!(IMG:http://i41.photobucket.com/albums/e274/japone99/omg1.gif)

Aba, ok din siguro 'yon? (IMG:http://i41.photobucket.com/albums/e274/japone99/heh1.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
agentz
post Feb 11 2007, 10:36 PM
Post #8


Human sign: Slash of Eternity


Group: Members
Posts: 7,282
Joined: 26-July 06
From: Beyond the boundaries of fantasy and reality
Member No.: 1,577




QUOTE
Baka next na ma-encounter niyo diyan ay Genoveva o kaya Candida


what's next?

crap, not good when it comes to weird names (IMG:style_emoticons/default/tongue.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
liureiyi
post Feb 11 2007, 11:24 PM
Post #9





Group: Members
Posts: 652
Joined: 30-July 06
From: Pasay City, Philippines!!! XD
Member No.: 3,647




ehem ehem,..

si kuya pala ito,..

nabiten ako,.. (IMG:http://i63.photobucket.com/albums/h138/liureiyi/Emoticons/sob.gif)

na-curious tuloy ako sa past niya,..wahehe

more updates!~~
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Kishuku Sou
post Feb 12 2007, 01:00 AM
Post #10


Fan Fare's Dark Knight TMR's Official Psychologist F


Group: Members
Posts: 2,119
Joined: 5-February 07
From: Kingdom of Nocturne aka: Roland St. Jazalie XVII Rank: KNIGHTs 1st Class Order: KNIGHTs Elite Ultimate Atk: Aure Voir Race: Vampire
Member No.: 20,310




^ Currently working on the next installment...

Punyemas na buhay 'to, humihina na ata ako sa filipino. Waaaaaaaaahhh... T_T

Kung english naman it would sound like Onizuka really...

No not the whole Onizuka thing but his grammar. (IMG:style_emoticons/default/laugh.gif)

Ok, type type type type. It would be nice kung bago ako matulog e may kasunod na 'yan. (IMG:style_emoticons/default/biggrin.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
imperfect
post Feb 12 2007, 01:39 PM
Post #11





Group: Members
Posts: 710
Joined: 4-August 06
From: On the edge of dreams and nightmares
Member No.: 4,811




Mga dapat ipagbuti:

1. Ang transisyon ng Filipino sa Ingles. Sadyang nakakagulat na lang na biglang may susulpot na ingles na salita sa gitna ng isang pangungusap. Kung nais gawin, gawing paunti-unti ang transisyon. Ngunit ang mas kanais-nais na gawin ay iwasang mabuti ang mga pagkakataon na kailangang gumamit ng isang salita na mahirap o walang salin sa Filipino.

2. Ang pag-uusap o diyalogo. Sa aking palagay ay naging masyadong pormal na tila hindi naging likas ang pag-uusap. Ang payo ko dito ay gawin mong mas magaan ang diyalogo. Magaan, hindi sa tono, kung hindi sa pag-usap. Sa ganitong paraan, lumalabas ang emosyon ng isang taong nagsasalita.

3. Ang iyong paunang salita ay mahaba. Tandaan na sa paglalarawan ng isang tauhan, hindi maganda ang tinatawag nila sa ingles na "spoon-feeding." Iwasan ito.

Pangkalahatang Komentaryo:

Bagama't interesante ang tema, nagkakaroon ka ng problema sa paglalarawan ng kuwenta sa kabuuan. Lubos ang iyong paglalarawan. Maganda sana kung gawin mong minimalistiko ang paglalarawan. Ang ibig ko sabihin ay ikahon mo ang paglalarawan sa maliliit na bahagi upang lalong gumanda ang takbo ng iyong kuwento. Sa unang dalawang bahagi ng kuwento, walang gaanong paggalaw sa kuwento akong nakita kahit na may pagkahaba ang iyong sinulat.

Iyon lang at sana'y ipagbuti mo pa ang pagsusulat. Magandang araw (IMG:style_emoticons/default/smile.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Nilathiel
post Feb 12 2007, 04:40 PM
Post #12


Obsessive-Compulsive Neurotic


Group: Members
Posts: 2,597
Joined: 26-July 06
From: Covina, CA
Member No.: 773




Omg, my nose bled just trying to read in Tagalog. >_<
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Kishuku Sou
post Feb 12 2007, 05:28 PM
Post #13


Fan Fare's Dark Knight TMR's Official Psychologist F


Group: Members
Posts: 2,119
Joined: 5-February 07
From: Kingdom of Nocturne aka: Roland St. Jazalie XVII Rank: KNIGHTs 1st Class Order: KNIGHTs Elite Ultimate Atk: Aure Voir Race: Vampire
Member No.: 20,310




Salamat po, kuya imperfect~!!

*balik sa pagta-type*
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Kishuku Sou
post Feb 12 2007, 07:09 PM
Post #14


Fan Fare's Dark Knight TMR's Official Psychologist F


Group: Members
Posts: 2,119
Joined: 5-February 07
From: Kingdom of Nocturne aka: Roland St. Jazalie XVII Rank: KNIGHTs 1st Class Order: KNIGHTs Elite Ultimate Atk: Aure Voir Race: Vampire
Member No.: 20,310




Serene



“Kuya?”

“Kuya?”

“Kuya, hoy!”

Ang marahang pag-ugoy ay nadagdagan ng pwersa at ang malambing na tinig ng babae ay tumaas na rin. Galit na ata. Pakiramdam ko kapag iminulat ko ang mga mata ko ay tatamaan ako.

“Ano ba ‘yon,” Pupungas-pungas akong bumangon sa pagkakatalungko ko sa aking mesa at nilingon ang nang-gising sa akin.

Sinalubong ako ng pigura ng isang dalagang nakapamewang, medyo malabo pa rin ang tingin ko pero alam ko kung sino ang may lakas ng loob gisingin ako. Si lyra, ang bunso kong kapatid.

Nang makita niya akong bumaling sa kaniya ay agad siyang umupo sa gilid ng aking kama at nagtuloy sa paglalaro ng kaniyang Game boy.

“May tawag ka, Maricar daw.”

“Salamat.” Kinuha ko naman agad ang ekstensyon ng telepono sa aking mesa.

“Hello?”

“Hello, Sir, si Maricar po ‘to.”

“Napatawag ka?” Kinusot kusot ko ang aking mata at binuksan ang computer ko na nasa harap ko lang.

“Sa release po ng cards, si ate raw po ang kukuha no’ng sa akin e.”

“Ah ‘yon lang ba walang proble… ANO~!?” Napatayo ako sa narinig ko, si Lyra naman ay nagulat ko rin, nabitawan pa nga niya ang Game boy niya sa gulat sa akin.

“Kuya ano ba ‘yan, para kang tangerks, namatay tuloy ako!” Sigaw sa akin ni Lyra.

“Opo e, paano ‘yong deal natin, Sir?”

“Bahala na, kung magkikita-magkikita. Pero tuloy pa rin naman ang deal natin kahapon, don’t worry.” Bumalik na ako sa pagiging kalmado at bumaling na uli sa computer ko.

“Salamat po, Sir~!” masaya niyang sagot sa akin, masigla hindi katulad kagabi na parang hindi mo maintindihan. Para bang lalakeng torpe na hindi makapagsabi ng ‘mahal kita’ sa babaeng mahal niya.

Kevin’s Syndrome tawag d’on. ‘Yong hindi makapagsabi na parang natotorpe.

Buntong hininga lang ang naisagot ko sa pasalamat niya at agad na rin naman siyang nagpa-alam. Pagkababa ko ng telepono ay inusisa naman ako ni Lyra.

“Sino ‘yon, kuya?”

“Estudyante ko.”

“E bakit para kang nakarinig ng masamang balita?”

“Masama ngang balita, si ate niya ang kukuha ng card niya sa susunod na buwan.”

“Oh? Edi masaya, makakakita ka na nang kaedad mo lang hindi ‘yong puro nanay ang kausap mo?”

“Loka, ‘yong ate niya si Michelle.”

Napatingin siya sa akin, sabay ngise sa akin na parang nakakaloko.

“Problema nga ‘yan, kuya.” Tumayo na siya sa kama ko at nagtungo sa pintuan. “Tena, kain na tayo. Ako nagluto, tikman mo kung ok na ako magluto.” Akit niya sa akin.

Ngumite lang ako sa kaniya at pinatay ang monitor ng computer ko.

Mabuti naman at nagluto na ang baby ko.

---

Linggo nga pala ngayon kaya naman parang hindi umiikot ang mundo, parang napakabagal ng takbo ng oras at heto ako, nakatunganga sa langit at tila naghahanap ng ulap na kahugis ng mukha ko. Hindi, biro lang. Ang totoo naghahanap ako ng hidden mickey sa ulap, trip lang tsaka matagal ko nang libangan ‘to.

Masakit na ang leeg ko kakatingala, halos kalahating oras na ako dito wala pa rin ‘yong katagpo ko. Ni text wala pa kaya naman tumambay muna ako sa dito sa tuktok ng mall, hilig na hilig kong pumarada dito sa taas kasi kita ‘yong kabilang mall mula dito. Kaso paradahan nga lang din ‘yong kita mula dito, pero ok lang tahimik at masarap ang hangin.

Ilang minuto pa ay nag-ingay na ang telepono ko, kinuha ko naman ‘to agad sa ibabaw ng dashboard ng sasakyan ko.

At ayokong magising
Sa umagang nangangakit…


From: Raija

Dude, prating n me. jan k n b rob?

Reply?

To: Raija

D2 n, cge w8 kta, ingat.

Send?

Sending Message

Message Sent.

Sus, late. Oo, tama hinala niyo, may ka-tagpo ako. Sino? Nakilala ko lang sa Ragnarok kaya naman excited na rin akong makita. Babae raw siya at alam kong babae siya. Ilang beses pa lang kaming nagkakausap sa text, madalas sa YM at hindi ko pa nga siya na-add sa friendster ko e.

Tiwala naman ako na hindi chicksilog ‘to. Kahit na paulit ulit kong pinatutugtog sa MP3 ko ang chicksilog. Kung chicksilog e sibad na ako agad ng takbo, nagbaon nga rin ako ng sobrang damit para madaling magpalit. Tingnan ko muna bago ako lumapit, mahirap na baka mamaya may saklay ‘yon o kaya e mongoloid?

Bumaba na ako agad, sa Time Zone usapan namin e. Movie date lang at excited na ako kahit hindi ko pa alam kung babae nga ba ang katagpo ko o ka-uri ko. Mamaya broke back pa ang katagpo ko, amfucha, tatakbo talaga ako kapag broke back ‘yon.

Naglaro muna ako ng Tekken, na-promote na lang ako at lahat wala pa, kanina 2nd Dan lang ‘to ngayon 3rd na. Tuloy lang ako sa paglalaro, 14 wins na, walang tumalo kay Jin ko. Haha~! Ako ang diyos ng tekken, wag nang umasang matatalo niyo ako hahaha~!!

“Dylan?” Mahinhing boses ng isnag babae ang tumawag sa likod ko.

Babae~! Teka, tinawag ba niya akong Dylan? Paanong niya nalaman ang tunay kong pangalan e Tokiya ang tawag niya sa akin?

Nilingon ko siya at sa kung anong dahilan e napaka-pamilyar sa akin ng mukha niya. Para bang kilala ko siya dati pa pero hindi ko matandaan kung saan at sino siya.

May katangkaran siya, maalon ang buhok, maganda, payat pero sexy pa rin, morena at…taga FEU siya?

Siya si…si…si…

“Hoy, Dylan, ikaw ba ‘yan?” Wika niya, ako naman ay napatunganga at iniwanan na ang nilalaro ko.

“Serene…” Nangatal ang boses ko at ang mata ko ay nakapako pa rin sa magandang binibini sa harap ko. “Ikaw nga ba ‘yan?”

“Oo, sino ba akala mo?” Namewang na siya at nagtaas ng bahagya ng kilay. Bakit siya naka-uniform? Linggo ngayon ah? Ibig sabihin…siya si Raija??

“Ikaw ba si Raija?” Tanong ko agad sa kaniya, sinusuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

“At wag mong sabihing ikaw si Tokiya?”

“Ako nga.” Ngumiti na ako sa kaniya sa unang pagkakataon at tinanggal ang aking salamin.

“Small world!”

You Loose.

Bigla kong naalala na may kalaban nga pala ako at agad kong nilingon kung ano na ang nangyari kay Jin ko. Ayon, sakto, bumabangon pa lang. Round 2 na. Nakakahiya naman kung uunahin ko pa ‘to kesa kay Serene? Sayang, madadagdagan ang talo ko kung papabayaan ko naman. Paano na?

“Nagte-tekken ka pala?” ani niya sa akin, nilingon ko siya at ngite lang isinalubong niya sa akin. “Talunin mo na ‘yan, panuorin kita dali!”

Upo ako agad at kalahati na pala ang buhay ko, nadale ako ng kalaban agad. Gigil na gigil at deisidido nang talunin ako, kanina ko pa naman siya tinatalo.

You Win.

“Wow! Ang galing mo pala.” Wika niya, umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko at nangalumbaba, matiim na nakatutok sa laro ko.

You Win.

“Grabe, adik ka pala diyan. Ang galing mo e.” Komento niya sa akin, ngite na naman lang ang naisagot ko sa kaniya.

You Win.

Jin Kazama Wins

Tumayo na ako agad at kinuha ang data card ko, pinuntahan naman ako ng kalaban ko kanina at ngumite.

“Nice Game po,” bati niya, ini-abot ang kamay sa akin. Nakipag-kamay naman ako ng sandali lang sa kaniya at nagsalita uli.

“Bro, ikaw na maglaro. Narito na hinihintay ko e.”

“Salamat.”

Umupo naman ka-agad ang kalaban ko sa pwesto ko, bumaling na ako uli kay Serene at isang matamis na ngite na naman ang isinalubong niya sa akin.

Grabe, ang ganda niya talaga… Dalagang dalaga na.

“Ganiyan ka makatingin?” Tanong niya, nakangite pa rin pero halatang nagtataka.

“You’re so beautiful.” Tama, napakaganda mo. Teka? Sinabi ko ba ‘yon? Wah! Sinabi ko nga!

Nagtaas lang siya uli ng kilay, para bang sanay na sanay umakto kapag binobola. Pero hindi ko naman siya binobola, maganda talaga siya. Pero siya nga ba talaga si Serene?

“Namayat ka ata?”

“Namayat ba ako?”

“Oo kaya?”

Sus, grade 6 pa kaya tayo huling nagkita?

“Ilang taon na ba tayong hindi nagkikita?” tanong ko sa kaniya, pangise ngise.

“8 years na?” sagot naman niya, tinatapik-tapik ang kaniyang baba ng kaniyang hintuturo.

“Hindi kita agad nakilala, ang ganda ganda mo na kasi.”

“At anong ibig mong sabihin?” puno na ng pagtataray ang kaniyang tono. “Panget ako dati?”

“Hindi, hindi ‘yon ang ibig kong sabihin.” Bawi ko naman agad, aminin ko natakot ako baka kasi suntukin ako nito. Nanununtok din kasi ‘to dati at talagang malakas.

“Dalagang dalaga ka na kasi, ang ganda ganda mo pa.”

“Bolero. O kala ko ba libre mo ako ng sine? Anong panunuorin natin?” Umangkla na siya sa akin, nagulat ako dahil ilang taon kaming hindi nagkita pero parang ang gaan agad ng loob niya sa akin. Naka-angkla pa sa braso ko ha? Hindi ko mapaliwanag pero magaan din ang loob ko sa kaniya, bakit kaya?

This must be love!



===
Author's Note:

Ewan ko kung nag-improve, kailangan ko pa ng tips. (IMG:style_emoticons/default/biggrin.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
raija kisanagi
post Feb 12 2007, 07:15 PM
Post #15





Group: Members
Posts: 501
Joined: 5-December 06
From: Marikina
Member No.: 16,016




yihee!!! ang aking fanfic debut! hehehe! /no1 ung reaction... prang akoh tlga in fairness ah! kilala? hehehe...
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Kishuku Sou
post Feb 12 2007, 07:36 PM
Post #16


Fan Fare's Dark Knight TMR's Official Psychologist F


Group: Members
Posts: 2,119
Joined: 5-February 07
From: Kingdom of Nocturne aka: Roland St. Jazalie XVII Rank: KNIGHTs 1st Class Order: KNIGHTs Elite Ultimate Atk: Aure Voir Race: Vampire
Member No.: 20,310




Wag na magtaka, kilala na talaga kita kahit na ilang buwan pa lang. (IMG:http://i41.photobucket.com/albums/e274/japone99/kis.gif)

talent ko na yan e hahaha~!!
Go to the top of the page
 
+Quote Post
TiaraX-44
post Feb 12 2007, 08:00 PM
Post #17


In your wildest dreams


Group: Members
Posts: 8,317
Joined: 24-January 07
From: Davao City
Member No.: 19,594




Nice fic po! Ganda ng mga names ah!
Pero may ibang mga parte na parang hindi ko mahagilap, pero sa kabuuan naman, maganda siya at kaakit akit.. (IMG:style_emoticons/default/happy.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
liureiyi
post Feb 13 2007, 02:19 AM
Post #18





Group: Members
Posts: 652
Joined: 30-July 06
From: Pasay City, Philippines!!! XD
Member No.: 3,647




ang daming beses ko nabasa ung "Lyra" (IMG:style_emoticons/default/mellow.gif)


ayan,.. medyo nakikilala ko na yung prof?,.. /hmm

at ang mga babae sa buhay niya?! (IMG:style_emoticons/default/blink.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Raistlin
post Feb 13 2007, 08:25 AM
Post #19


Are you inviting me for a coffee?


Group: Members
Posts: 4,642
Joined: 25-July 06
From: Santa Rosa/Biñan, Laguna
Member No.: 410




QUOTE(Nilathiel @ Feb 12 2007, 04:40 PM) [snapback]434390[/snapback]

Omg, my nose bled just trying to read in Tagalog. >_<


ako din..(IMG:style_emoticons/default/laugh.gif)
anyway, sir Kishuku Sou your so gifted in writing in Filipino..(IMG:style_emoticons/default/happy.gif)
Keep up the good work..You got a fan here../no1
Go to the top of the page
 
+Quote Post
HarryBoy
post Feb 13 2007, 04:39 PM
Post #20


Is in love with Gi <3


Group: Members
Posts: 3,863
Joined: 30-July 06
Member No.: 3,414




Mahou Sensei Negima! (Filipino version with a twist XD)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
raija kisanagi
post Feb 13 2007, 07:36 PM
Post #21





Group: Members
Posts: 501
Joined: 5-December 06
From: Marikina
Member No.: 16,016




hmmm... wla p ring update? /sob (atat?)

hehehe... dali n! i wanna know whats gonna happen next! hehehe...

aioshiteru oniichan! /kis
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Gabrielle_Vendet...
post Feb 14 2007, 10:13 PM
Post #22





Group: Members
Posts: 125
Joined: 15-January 07
From: Aviba Publishing House
Member No.: 19,091




from rosalina, to dylan and serene... nice choice of names. @_@
whats next? fernando jose? carlos miguel? X_X

ms. raija is serene huh? true story ba to?

wait.... dylan, tokiya and raija... flame of recca ba to?

GTO meets gokusen ang dating skin.

Update po!! (IMG:style_emoticons/default/biggrin.gif)


Nice fic, starting to love it. (IMG:style_emoticons/default/smile.gif)

Go to the top of the page
 
+Quote Post
raija kisanagi
post Feb 14 2007, 10:53 PM
Post #23





Group: Members
Posts: 501
Joined: 5-December 06
From: Marikina
Member No.: 16,016




di poh true story toh... i think... /gg

nice nman... kilala moh c raija ng flame of recca... hehehe...

ipost moh n ung ssunod kishuku! so nice! don't kip the "fans" waiting! /no1
Go to the top of the page
 
+Quote Post
agentz
post Feb 15 2007, 04:18 PM
Post #24


Human sign: Slash of Eternity


Group: Members
Posts: 7,282
Joined: 26-July 06
From: Beyond the boundaries of fantasy and reality
Member No.: 1,577




QUOTE
from rosalina, to dylan and serene... nice choice of names. @_@
whats next? fernando jose? carlos miguel? X_X


mahilig ata siya sa mga names ng mexican at spanish (IMG:style_emoticons/default/tongue.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Gabrielle_Vendet...
post Feb 15 2007, 04:22 PM
Post #25





Group: Members
Posts: 125
Joined: 15-January 07
From: Aviba Publishing House
Member No.: 19,091




oho...

Nagtaka naman ako sa deal na sinasabi nila...

QUOTE


“Opo e, paano ‘yong deal natin, Sir?”

“Bahala na, kung magkikita-magkikita. Pero tuloy pa rin naman ang deal natin kahapon, don’t worry.” Bumalik na ako sa pagiging kalmado at bumaling na uli sa computer ko.




Update po!! (IMG:style_emoticons/default/smile.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
raija kisanagi
post Feb 16 2007, 10:00 AM
Post #26





Group: Members
Posts: 501
Joined: 5-December 06
From: Marikina
Member No.: 16,016




oniichan!!! bkit d moh p pinopost ung next chap?!?! (IMG:style_emoticons/default/sad.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Kishuku Sou
post Feb 16 2007, 07:01 PM
Post #27


Fan Fare's Dark Knight TMR's Official Psychologist F


Group: Members
Posts: 2,119
Joined: 5-February 07
From: Kingdom of Nocturne aka: Roland St. Jazalie XVII Rank: KNIGHTs 1st Class Order: KNIGHTs Elite Ultimate Atk: Aure Voir Race: Vampire
Member No.: 20,310




Kuya na lang kita?



“Happy Feet?” Lumapit ako sa kaniya at nakitingala na rin sa mga poster na naka-display.

“Uh…” Parang nag-isip pa siya at tinapik tapik na naman ang hintuturo niya sa kaniyang baba.

“Bakit? Napanood mo na ba?

“Hindi, may naalala lang ako.”

5

“Ano ‘yon?”

“Rather, sino?” Ngumite siya sa akin ng may kahulugan, well, its more like of a grin than a smile.

4

Namutla ako, bigla atang bumagsak ang puso ko sa tiyan ko at doon tumibok ng napakabilis. Sumakit na naman ang tiyan ko na parang hinahatak ang bituka ko, ganito talaga ako kapag may nararamdaman akong mali o sobrang kinakabahan. Boyfriend niya? Bestfriend? Ex? Sino?

“Sino?” Buong tapang kong tanong sa kaniya, nilinga niya ako at nginitian, pero isang malungkot na ngite.

3

Ex…sabihin mong ex please lang… Just please say Ex, EX.

“A very important person in my life…” Sagot niya at tila napuno ng kislap ang mga mata niya.

2

“Sino nga?” Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ko, kahit na alam ko na kung ano ang kaniyang isasagot ay tuloy pa rin ako sa pagsigaw sa isip ko ng:

Baka ‘yong alaga nilang puppy na mukhang penguin!

Tinitigan ko siya, nakangite ako at siya naman ay nakangite rin sa akin.

1

Alam ko ‘yang ngiteng yan… Shet~!

“Boy friend ko…”Namula siya ng sabihin niya ‘yon, ako naman ay nakatitig lang sa kaniya, nakanganga at parang tinakasan na ng sariling katinuan.


Game Over.

Dumilim ang paligid at ang magandang imahe ng anghel sa harap ko ay parang usok na unti unting nahahawi ng hangin hanggang sa ito’y mawala. Lumamig, biglang lumamig, nakakapaniil ang lamig at nakakapanakit, nanunuot sa kalamnan at nananatili sa loob.

Lord, ano bang ginawa ko at pinarurusahan niyo ata ako? Alam kong gabi gabi e may ginagawa akong kalokohan pero hindi naman ata sapat ‘yon para parusahan niyo ako ng ganito?

“Dylan?”

“Hoy!” Bumalik ako sa katinuan ng hampasin niya ako.

“Ha?” Sagot ko sa kaniya, madilim pa rin ang mundo ko at hindi pa rin alam kung ano ang gagawin o isasagot.

“Bakit natulala ka ata? Masama ba pakiramdam mo?”

Oo masama, masamang masama. Pakiramdam ko humihiwalay na sa katawan ko ang kaluluwa ko!

“Ah wala, may naramdaman lang akong mali.” Ngumite ako sa kaniya at ngumite rin naman siya sa akin. Plastic kang hayup ka! Plastic ka Dylan! Plastic! “So, happy feet na lang?” Tanong ko uli sa kaniya, nakangite pero pilit na pilit.

“Ah..’kaw bahala ka? Ikaw naman mang-lilibre e.”

“Baka ayaw mo niyan e?” Nilingon ko uli ang iba pang movie posters na naka-dsiplay sa kabila at bumaling uli sa kaniya. “Well?”

“Sige, happy feet.” Tila nalulungkot siya sa sagot niya.

“What’s wrong?” Maalalahanin kong tanong sa kaniya.

“Wala naman.”

“Hindi nga?”

Ngumite lang siya at lumingon sa ibang direksyon, mapaglarong gumalaw ang kaniyang katawan, parang isang dahon na sumasayaw sa pag-ihip ng hangin.

“Nag-away kasi kami,” sagot niya sa akin at ang mga mata’y nakatutok pa rin sa malayo, tuloy lang sa kaniyang pag-sway.

“Oh?” ‘Yon lang ang na-iimik ko sa kaniya, tinititigan ko lang siya ng matiim habang siya ay parang nag-iisip.

Sige ano? Matutuwa ka? Hindi tamang matuwa ka. Pero… Haha~! Ok lang~!

“Nevermind, tara nood na tayo.” Lumakad na siya patungo sa ticket booth, pero bago pa man siya makahakbang ng dal’wa ay nahawakan ko siya sa kaniyang braso.
Marahan ko siyang hinatak at lumingon naman siya sa akin, nagtataka pero bakas pa rin ang lungkot sa kaniyang mukha.

“Tell me, what’s wrong?” Tinitigan ko siya ng diretso sa mga mata, nangingilid na ang kaniyang luha pero napipigilan niya ‘to. Umiwas siya ng tingin sa akin at dahan dahang iginalaw ang kaniyang braso para tanggalin ang hawak ko sa kaniya.

“Makikinig ako.”

Katahimikan.

Shet, unang beses naming magkita tapos drama na agad? Close ba kami? Naku, naku, baka nabadtrip na sa akin.

“I’m sorry kung parang nakiki-alam ako sa’yo.” Sabi ko sa kaniya, nakatingin pa rin siya sa malayo at hindi na ata ako lilingunin.

“Sasabihin ko sa’yo, pero manuod muna tayo. Ayokong umiyak e.” Sagot niya sa akin bigla, nilingon na niya ako at nginitian muli.

“Tara.” Ipinuwesto ko uli ang aking braso na parang isang escort. Tumawa siya sa akin at agad na humawak sa braso ko, hindi parang isang dalaga kungdi parang bata, isang batang nakahawak sa kaniyang ‘kuya.’

---

“Ang cute ni Mumble!” Masigla niyang sabi sa akin habang kami ay papalabas ng sinehan.

Mukhang nakalimutan na niya ang lungkot niya. Siguro hindi ko na dapat itanong dahil baka mamaya e gumulo pa lalo ang sitwasyon. Pero hindi ba kapag andiyan ka sa oras na kailangan ka niya e mas ok? Mas malaki ang chances mo sa kaniya? Pero hindi na siya single, may boyfriend na siya at hindi ko pa alam kung gaano na katagal o kung mabait ba sa kaniya. Bad Dylan~! Bad~! Mind your own business, ok?

“Hey!” Hinatak niya ako. “Nakikinig ka ba?”

“Ah oo, may naisip lang ako bigla.” Just smile Dy, smile!

“Ano naman ‘yon?”

“Wala lang…” Sige, magsalita ka pa at madudulas ka na.

“Eh, sige na, ano ‘yon? Please?” Tinitigan niya ako na parang nagmamaka-awa.

Puppy Eyes~!! Shet, mahina ako sa ganiyan~! Concetrate, gotta keep it tight, Dylan!

Hinatak-hatak niya ang aking braso, marahan lang sa una pero nadadagdagan ang pwersa nito sa bawat segundong pinatatagal ko ang pagsagot.

“Ah..’yong elder penguin nilang si Noah, kaboses ni V sa V for Vendetta.”

“Ah? Ok.” Yes~! Gumana! Good, such a witty young man you are, Dylan.

“Kain na muna tayo? Saan mo gusto?” Tanong ko sa kaniya.

“Gusto ko ng float.” Masayahin niyang sagot.

Para talaga siyang bata and she’s so adorable!

Bumaba kami papuntang first floor dahil naroon ang Mcdo, sandali lang kaming naglakad at escalator na. Habang nasa escalator kami ay binabangga bangga niya ako, maharot talaga siya at napakalambing. Mahina talaga ako sa malalambing na babae dahil ‘yon ang gusto ko sa girlfriend ko. Ewan ko nga ba bakit si Michelle ni hindi lumampas ng isang beses siyang naglambing sa akin.

Kumain na kami sa Mcdo, mabilis lang at gaya ng inaasahan ay balik kami uli sa taas. Time Zone daw muna kaming dal’wa. Pumunta siya agad sa Dancing Stage Super Nova, parang dance revolution ‘yon, iba lang ang title. Bago ako mag-swipe ng card ay bigla akong napasulyap sa kaniya. Natigilan siya at nakatitig sa babae’t lalakeng naglalambingan sa hindi kalayuan, nakasandal sa may railings at mukhang hindi napapansin ang buong mundo.

“Ms. Dancer?” Bati ko uli sa kaniya.

Lumingon siya sa akin at nakita niyang ready na ang game, mamimili na lang siya ng music, kung gaano kabilis at kung anu ano pa. Hindi ako pamilyar sa mga ganitong laro dahil ang alam ko lang sa time zone ay walang kamatayang Tekken 5, Time Crisis 3 and 4 at House of the Dead 4.

“Sayaw ka rin.” Para na naman siyang batang nangungulit sa kaniyang tono, hinahatak ang damit ko at inaayang magsayaw.

“Ikaw na lang, papanuorin na lang kita.”

Umirap siya sa akin saka sumampa sa mismong stage kung saan ka may tatapakan na direction. Hindi talaga ako magaling sa ganiyan, sa controller nga lang ata ako naglaro ng dance revolution sa PS noon e, summer love pa at beginner mode pa ‘yon. Hindi pa perfect.

Nagsayaw na siya, ok lang ang bilis ng kaniyang sinasayawan pero halatang nahihiya siya sa kaniyang pag-galaw. Mas gusto nga niya talaga na may kasayaw siya doon. Ok lang naman siguro kasi wala masiyadong tao, 3 lang ang tao roon, lahat busy pa sa tekken.

Natapos niya ang talong sayaw at pinawisan din siya, nakangite lang akong nagmasid sa kaniya habang siya ay papalapit sa akin.

“Galing.” Puri ko sa kaniya.

Binunot ko agad ang panyo kong hindi pa nagagamit at pinunasan ang kaniyang noo. Pinagpawisan siya talaga sa sayaw na ‘yon.

“Gusto mo pa?” Ipinakita ko sa kaniya uli ang time zone card kong itim.

Platinum na at alam niyo na kung gaano na kalaki ang nagastos ko sa Time Zone na ‘to, ahat sa Tekken lang ‘yon nagastos.

“Ayoko na.” Sagot naman niya habang ipinapaypay ang kamay sa sarili.

“Usap na tayo?”

Bigla siyang natigilan sa tanong ko, tinitigan niya ako ng seryosong tingin ng mga ilang segundo bago uli siya sumagot. Sa kung ano namang espiritu ang sumapi sa akin bakit kailangan ko pa agad na itanong sa kaniya ‘yon? Hindi ko alam pero palagay ko sinapian ako ng isang kaibigang magaling bumanat pagdating sa mga usapang drama.

“Saan naman?”

“Sa taas. Sa kotse ko, masarap doon kapag ganitong oras, mahangin tsaka bilog ang buwan ngayon.”

“Tara.”

---

Nakatingala ako sa langit, pinagmamasdan ang mga ulap na dahan dahang gumagalaw at tumatabing sa bilog na bilog at napakagandang buwan. Masarap din ang hanging humahaplos sa akin at nagpapalipad sa aking buhok, naririnig din ang pahapyaw na ingay ng mga sasakyan sa baba. Nakasandal ako sa labas ng kotse ko habang siya naman ay nasa loob, naka-upo sa tabi ng driver’s seat at hinayaang bukas ang pinto.

Kanina pa siya umiiyak at nagkekwento sa pinag-awayan nila ng boyfriend niya. Nalaman ko ring hindi pala ako dapat matuwa sa nangyayari, mabait si lalake at talagang nagkakaproblema na sila, dahil daw sa kaniya. Tahimik lang akong nakinig doon, hindi naman siya humahagulgol sa pag-iyak pero ramdam ko pa rin ‘yong lungkot niya sa tahimik niyang pag-iyak.

Sunod sunod lang ang buntong hininga ko, hiyang hiya sa sarili ko dahil sa tuwang naramdaman ko kanina nang malaman kong nag-away sila. Loko loko ka talaga, Dy. D for Desperadong Demonyong Damuho.

“Palagay ko nababawasan na talaga ang pasensya niya sa akin.” Umiiyak pa rin siya, ako naman ay hindi na mapakali, gusto kong tumalon dahil sa kagaguhan ko kanina na hindi naman pala dapat. Ang bait bait pala ni bf at…ano…may problema lang ng kunti e natuwa na ako na nag-away sila.

Tumingala ako uli at nakita kong may malaking tipak ng ulap na papalapit sa buwan, bigla kong naisip ang madalas kong gawin t’wing bilog ang buwan.

“Gusto mong magka-ayos na kayo hindi ba?” Tanong ko sa kaniya, nakatingala pa rin sa langit at titig na titig sa buwan.

“Tingnan mo ang buwan,” sumunod naman siya agad sa akin, lumabas siya at tumingala sa buwan.

“Kapag natakpan ng husto ang buwan ng ulap na ‘yan, mag-wish ka. Dapat sarado ang mga mata mo at kapag iminulat mo na ang mga mata mo at wala na ang mga ulap, magkakatotoo ang hiniling mo.” Hindi ako makapaniwala sa sinabi ko, matagal ko nang alam ‘to pero sa kaniya ko lang itinuro, kahit na ako mismo ay duda na nagkakatotoo ang mga hiling. Madalas ko ‘tong ginagawa at karamihan ng hiniling ko, bokya. Katulad na lang no’ng hilingin ko na sana ay magkabalikan kami ni Michelle, hanggang ngayon heto ako, single pa rin at nagpipilit magkaroon.

Bumaling ako sa kaniya, nakatingala siya at nakapikit, bumubulong sa hangin na parang nagdadasal. Napangite ako sa kaniya. Ganiyang ganiyan din ako no’ng gumuho ang mundo ko ilang taon na ang nakakaraan.

Minsan…hindi, kadalasan kapag nasasaktan tayo at pakiramdam nating wala ng pag-asa sa problema natin a naghahanap tayo ng isang bagay na makakapagbigay sa atin kahit kaunting pag-asa lang. Lalong lalo na pagdating sa mga problema ng puso, emosyon at iba pa.

Natural na sa mga tao ‘yon na sumandal sa isang bagay na makakapagbigay sa kanila ng emotional comfort at pag-asa na may darating pang maganda sa buhay. Naranasan ko na ‘yon. Wala akong masandalan noon, noong iniwan ako ni Michelle na hindi ko man lang alam kung anong paniniwalaang dahilan. Wala akong ginawa noon buwan buwan sa loob ng dal’wang taon kungdi humiling ng humiling sa buwan, gabi gabi ay nagdarasal ako na sana bumalik na siya sa akin at walang segundong lumipas na hindi ko siya iniisip.

Bibigyan ko si Serene ngayon ng isang masasandalan at ngayon ako muna ang tatayo sa tabi niya para tingnan siya at pangalagaan sa oras na kailangang kailangan niya. Wala na akong ibang motibo sa ngayon kungdi magka-ayos sila at makita siya uli na masaya. Alam ko kung gaano kasakit ‘yong nararanasan niya ngayon, ‘yong pakiramdam na guguho na ang lahat na pinaghirapan niyong buohin sa mga nakalipas na taon.

“Sana magkatotoo.” Sabi niya, nilingon ko siya at nasinagan ng buwan ang kaniyang magandang mukha na sa kabila ng pagluha ay nagmistula pa ring anghel sa ganda.

“Dylan…”

“Salamat ha.”

Bigla na lang niya akong niyakap, nagulat ako at nanigas sa kinatatayuan ko. Umiikot ikot pa rin sa utak ko ang mga huli niyang sinabi na parang sirang plaka na paulit ulit lang sa loob ng aking ulo. Nangite ako. Ok lang na lumayo layo ako sa kaniya bago pa mahulog ang loob ko, kaka-umpisa pa lang naming mag-usap at ngayon lang kami nagkita uli. Masasaktan lang ako dahil alam ko na ngayon kung gaano niya kamahal ang boyfriend niya. Mahirap na. Kapag nasaktan na naman ako, tiyak, pupulutin na ako sa NIMH.

“Dylan?” Ini-angat niya ang kaniyang ulo at tumingin sa akin.

“Bakit?” Tanong ko naman sa kaniya. Wag mo na akong halikan, ok na ako sa yakap. Teka anong halik? Nanaginip ka na naman Dy.

Tinitigan lang niya ako, isang ngite ang gumuhit sa kaniyang mga labi sa kabila ng kaniyang luha.

“Kuya na lang kita ha?”
Go to the top of the page
 
+Quote Post
raija kisanagi
post Feb 16 2007, 07:57 PM
Post #28





Group: Members
Posts: 501
Joined: 5-December 06
From: Marikina
Member No.: 16,016




omg! pnaghalong fact nd fiction ntin ah!!! hehehe...

nice nman! di yan ung pnabasa moh skin ah! d moh inedit... gumwa k ng bgo... hehehe...

pro true true... although d koh naopen saio nun ung problem nmin ng mtino... =)

kip it up oniichan! nxt!!! i wanna know n whats gonna happen next...

aishiteru oniichan! /no1
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Gabrielle_Vendet...
post Feb 17 2007, 12:41 AM
Post #29





Group: Members
Posts: 125
Joined: 15-January 07
From: Aviba Publishing House
Member No.: 19,091




^ikaw tlga si serene?

oho sniff sniff sniff...may naaamoy akong something sweet between u and Sir Kishuku, ngaun ko n nkikita ng maayus 2, mukang true to life to hahaha! (IMG:style_emoticons/default/laugh.gif)

@ Sir Kishuku

Oniichan? (IMG:style_emoticons/default/rolleyes.gif)

QUOTE


Binunot ko agad ang panyo kong hindi pa nagagamit at pinunasan ang kaniyang noo. Pinagpawisan siya talaga sa sayaw na ‘yon.




aw..sweet... (IMG:style_emoticons/default/happy.gif)

QUOTE


Minsan…hindi, kadalasan kapag nasasaktan tayo at pakiramdam nating wala ng pag-asa sa problema natin a naghahanap tayo ng isang bagay na makakapagbigay sa atin kahit kaunting pag-asa lang. Lalong lalo na pagdating sa mga problema ng puso, emosyon at iba pa.



True

QUOTE

Natural na sa mga tao ‘yon na sumandal sa isang bagay na makakapagbigay sa kanila ng emotional comfort at pag-asa na may darating pang maganda sa buhay. Naranasan ko na ‘yon. Wala akong masandalan noon, noong iniwan ako ni Michelle na hindi ko man lang alam kung anong paniniwalaang dahilan. Wala akong ginawa noon buwan buwan sa loob ng dal’wang taon kungdi humiling ng humiling sa buwan, gabi gabi ay nagdarasal ako na sana bumalik na siya sa akin at walang segundong lumipas na hindi ko siya iniisip.


Naranasan ko na to... (IMG:style_emoticons/default/sad.gif)

QUOTE

Bibigyan ko si Serene ngayon ng isang masasandalan at ngayon ako muna ang tatayo sa tabi niya para tingnan siya at pangalagaan sa oras na kailangang kailangan niya. Wala na akong ibang motibo sa ngayon kungdi magka-ayos sila at makita siya uli na masaya. Alam ko kung gaano kasakit ‘yong nararanasan niya ngayon, ‘yong pakiramdam na guguho na ang lahat na pinaghirapan niyong buohin sa mga nakalipas na taon.

ARAY! (IMG:style_emoticons/default/mellow.gif)









Go to the top of the page
 
+Quote Post
raija kisanagi
post Feb 17 2007, 12:06 PM
Post #30





Group: Members
Posts: 501
Joined: 5-December 06
From: Marikina
Member No.: 16,016




@ Gabielle_Vendetta

my pgkatrue to life nga... pro... as u can see... oniichan koh cia... hehehe... pro dhil s dmi nlang pgkkapreho ng bf koh... pg mgksama kmi... prang ksama koh lng din bf koh... >.< weird noh?

nywayz... this is kinda our story... (ryt oniichan?) post moh n ung nxt chap... i'm dying to read it... >.<
Go to the top of the page
 
+Quote Post

15 Pages V   1 2 3 > » 
Reply to this topicStart new topic

 



RSS Lo-Fi Version Time is now: 3rd September 2010 - 09:06 PM