IPB





Welcome Guest ( Log In | Register )

6 Pages V   1 2 3 > »   
Reply to this topicStart new topic
> Pagbabago, Kapalaran o Kalayaan?
imperfect
post Aug 17 2006, 08:39 PM
Post #1





Group: Members
Posts: 710
Joined: 4-August 06
From: On the edge of dreams and nightmares
Member No.: 4,811




Ok pips, ito na. Sa totoo lang pinag-isipan ko talaga kung popost ko pa ito o hindi. Medyo matagal ko na ring naisulat ito. Ito ang unang Ro fanfic na natapos ko, mga dalawang taon na ang nakakalipas. Matagal na talaga siya at marahil ay gusto na niyang magpahinga. Pero naisip ko rin na nirepost ko ito bago yung aksidente at hindi natapos. Sayang naman kung bibitinin ko. Kaya ito na siyang muli (IMG:style_emoticons/default/smile.gif)

Warning: May mga salita o tema na hindi angkop sa mga bata. Ingat lang kayo sa pagbabasa

Panimula
Halik ni Hudas
(Wolfgang)

Excited na ako.

Isang taon na lang sa Prontera High graduate na ako. Pagkatapos ng apat na taon maaari na akong maging swordsman.

Ay!

Swordswoman pala.

Susulitin ko itong huling taon. Puro party, inuman. At siyempre hindi makakalimutan ang mga guwapong mga lalake. Sa itsura ko ba namang ito, hindi ako makakakuha ng isang fafa? Hindi sa pagmamayabang pero maganda talaga ako. Natural na pula ang buhok ko. At kung hindi ka naniniwala, papatunayan ko sabihin mo lang. Mahaba siya at nakatali sa isang ponytail, maliban na lang sa bangs ko na hindi ko sinasama. Ang mata ko ay asul tulad ng pinakamalinaw na langit. Ang mga labi ko, pula tulad ng rosas. Sabi nga ng mga kaibigan ko, hindi na daw kailangan ng make-up. Hindi naman kalakihan ang boobs ko pero hindi rin maliit. Ika nga ng mga nakaraan kong mga boyfriend “nice and firm” daw. Hahaha. Ganito talaga ako. Prangka. Ganda daw talaga ng korte ng katawan ko. Alde Cola body daw. Hindi in can ha, yung bote. Para malinaw lang.

Aaminin ko, hindi ako isa mga pinakamalinis na babae na makikilala mo. Napakalayo noon sa katotohanan. Ako ang tipo ng babae na gagawin kahit na anong gusto niya. Umiinom, yosi, tsongki at kung ano ano pa. Name it. I've tasted it.

D ba? Ang saya ng buhay ko! Marami na rin akong nakarelasyon at nakasiping sa kama. Lahat na ata ng posisyon nagawa ko na. Naranasan ko na rin tumikim ng katawan ng ibang babae. Naranasan ko na rin ang threesome. Minsan dalawang lalake, minsan isang lalake at isang babae. Nakapunta na rin ako sa orgy. Masasabi natin na malawak na talaga ang karanasan ko. Puta na nga tawag sa akin ng ibang mga tao. Pero anong pake ko sa kanila? Buhay ko naman ito, nag-eenjoy ako. Biro mo isa sa pinakamayan sa buong Midgard mga magulang ko, maganda ako, dami ko na nararanasan sa buhay ko. What more do I want?

“Oi! Kim, tara na sa caf, hinihintay na tayo ng barkada!” sigaw ni Sara, isa sa mga kabarkada ko. Lima kami sa barkada. Ako, si Sarah, si Meg, si Kris at si Alex. Magaganda, mayayaman at kayang kunin kung sino mang lalake gusto namin. Isa kami sa mga nirerespeto na grupo at isa sa mga madalas backstabbin ng iba. Ganyan talaga pagsikat.

Ayan, pumasok na kami sa caf. Sa mga puwesto pa lang, makikita mo na ang hatian ng mga estudyante. Sa may unahan, yung mga tinatawag na jocks. Sila ang mga atleta ng Pronteran Eagles. Sila ang mga pinakapopular na mga tao sa buong campus dahil sa kanilang kagalingan sa sports. Daming guwapo sa grupong ito. Halos lahat ata sa grupong ito naging boyfriend ko na. Lahat masarap maliban sa isa. Yung team captain ng basketball. Guwapo nga, wala namang alam. Maliit pa sandata at mabilis pa labasan. Kakahiya siya, grabe. Sa susunod na upuan ay ang upuan namin. Andun na nga talaga mga kabarkada ko. Umupo kami ni Sara sabay tsikahan tungkol sa mga bagay bagay.

Pinagmamasdan ko ang caf. Andun sa isang dulo yung mga nerds. Yung mga sobrang talino. Malamang magiging mage halos lahat sila. Yun sa isang table, yung mga outcast ng paaralan. Malamang sila yung mga assassin at rogue ng kinabukasan. Yun namang iba, yung sobrang bait. Yung mga socially concerned ika nga. Sila ang mga magiging pari at mga madre. Ayun sa kabila, yung may laging dala ng calcu, mga future merchants yan. Dami pang iba kaso natigil ako sa aking pagmumuni-muni. Kinakausap na ako ng mga kabarkada ko.

Hay! Magsasaya talaga ako sa huling taon ko sa Prontera High! Go Seniors!
Go to the top of the page
 
+Quote Post
The Abysmal Prie...
post Aug 17 2006, 09:22 PM
Post #2





Group: Members
Posts: 217
Joined: 26-July 06
From: Kulungan
Member No.: 1,936




Yehey, may tagalog fanfic! <*pom poms*>
Tuloy! Type kong mabasa ito (IMG:style_emoticons/default/biggrin.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
deennzz
post Aug 18 2006, 12:03 PM
Post #3





Group: Members
Posts: 35
Joined: 27-July 06
Member No.: 2,174




ang gling tlga sarap ulit ulitin (IMG:style_emoticons/default/tongue.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
ThereSheGoes
post Aug 18 2006, 01:33 PM
Post #4


CLICK MY SIGGY


Group: Members
Posts: 1,480
Joined: 25-July 06
Member No.: 199




Ang cute. (IMG:style_emoticons/default/laugh.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
pyro
post Aug 18 2006, 05:16 PM
Post #5





Group: Members
Posts: 30
Joined: 25-July 06
Member No.: 259




Mr imperfect kung pede sana ituloy nio po ulit ung "minsan masarap mangarap" patapos n kc dapat nangbitin p ung sumira sa RB!
Go to the top of the page
 
+Quote Post
anica_o14
post Aug 19 2006, 12:45 AM
Post #6





Group: Members
Posts: 10
Joined: 11-August 06
From: qc
Member No.: 6,277




tnx sa repost, uhH.. until what chapter to? may sunod pa ba sa interview? tnx.,
Go to the top of the page
 
+Quote Post
imperfect
post Aug 21 2006, 12:37 AM
Post #7





Group: Members
Posts: 710
Joined: 4-August 06
From: On the edge of dreams and nightmares
Member No.: 4,811




Update in a few minutes. But first, to comment on your comments and answer your questions:

@TAP

Well, hindi naman siya purely tagalog. It's more of taglish. Hehe. Para natural lang ang dating.

@deennzz

Salamat at muling sinubaybayan mo ang fic na to ^^

@ThereSheGoes

Hehe. Lagi na lang kita nakikita na nagbabasa ng fics ko. Salamat sa suporta!

@pyro at sa lahat ng nagtatanong sa imposible.

Ito na ang huling sasabihin ko sa thread na ito tungkol sa fic na yun. Medyo kasi feeling ko, may pagkabastos na pag-uusapan ang ibang fic na hindi naman konektado sa fic na natatagpuan sa thread. Pasensya na. Maarte lang talaga ako.

Anyway, hindi ko na siya ipopost dito. Non-RO siya kaya d sya pwede. Napost ko lang dati kasi medyo maluwag pa sila. Ngayon, bago na kaya naninigurado lang ako. Yun lang po. Kung gusto niyo basahin, punta kayo Writer's Arcadia, Sarah Boards at Loki Boards. Nandun yun, hanapin niyo lang.

@anica_o14

I think there are 20-25 chapters (IMG:style_emoticons/default/smile.gif)

This post has been edited by imperfect: Aug 21 2006, 12:39 AM
Go to the top of the page
 
+Quote Post
imperfect
post Aug 21 2006, 12:49 AM
Post #8





Group: Members
Posts: 710
Joined: 4-August 06
From: On the edge of dreams and nightmares
Member No.: 4,811




Kabanata Uno
Daytrip
(Sponge Cola)

Ayun, tapos na ang lunch break. Pasok ulit. Teka, ano nga ba subject ko? Umm.. Ayun! Religion. Yuck!! Haha. Dadaanin ko na naman sa bola toh. La naman ako pakialam sa Diyos at wala rin naman siyang pakialam sa akin eh. Oo. Tama narinig mo walang pakialam ang banal na Odin sa atin. Malakas lang talaga siyang mangtrip. Biruin mo. May mga nabubuntis na ayaw naman magka-anak at meron naman kahit ilang subok hindi pa rin nabubuntis. Isipin niyo pa ang kalagayan ng mundo ngayon. Magulo, puro na lang laban. Sabihin mo nga sa akin kung may pakialam siya? Pero ayos lang, suwerte andito sa klase bf ko. Si Andre, ang star player ng basketball team. Mahal ko talaga siya, promise! Pakasal nga kami after graduation eh. O, siya siya. Magsisimula na. Adviser pala namin ang teacher. Waaa.. Ayaw ko kay Sir Mampang. Pangit siya.

“Good morning class! We have a new student. He just arrived kanina sa lunch period. David Manahan, come here in front and tell us a little about yourself.”

Sabay pasok ng isang lalake. Wow. Gwapo. Hindi siya gaanong matangkad. Itim ang buhok. Maamo mukha. Matipuno ang katawan. Yung mata niya. Hindi ko mailarawang mabuti. Kulay green. Kakaiba. Parang, ewan ko. Parang puno ng karanasan. Halata na lahat ng babae sa klase namin, may gusto sa kanya.

“Hello! I'm David Manahan. I came from Morroc High. I transferred here because my parents died last summer and now I live with my uncle near here. I wish to be a priest when I grow up. Nice to meet all of you”

Pari? Sayang naman. Guwapo at may magandang ngiti. Masasayang lang to sa simbahan. Halatang na dissapoint ang mga babae sa klase ko. Ako rin. Haha. Umupo siya sa kaliwa ko. Yun na lang kasi bakante eh.

“Hi! Ako nga pala si Kimberly Pervera. Kim for short.” sabay abot ng kamay. Grabe. Flirt talaga ako. Tiningnan ko si Andre. Halatang nagseselos. Ang cute naman ng bf ko!

“Elo! Dave na lang tawag mo sa akin”

Pagkatapos ng dalawang oras (parang isang taon kung tatanungin mo ako), dismissal na. Makikipagkita ako sa 'kada. May sleep-over kami sa bahay ko. First day na first day. Kuwentuhang magdamag na naman toh. Ayos, kompleto kaming lima. Punta na kaagad kami sa bahay. Walang patawad, bukas kaagad ng alak. Siyempre ano pa nga ba kung hindi Chaos Ice ang iinumin namin. Walang kasing lakas ang tama. Sabay kuwentuhan na kami tungkol sa nangyari ng summer break. Ako, kinuwento ko kung sino sino nakasiping ko. Kung gaano katagal at kasarap. Dami kung nadale nung summer break. Kaya nga lagi ako may dalang pack ng Kyrie Condoms nun eh. Si Sara naman, nakipaglaro sa pinsang buo niya. Yuuuckk! Tawanan kaming lahat.

Sigaw ni Sara, “Bakit ba? Galing naman niyang manghalik ako. Sa labi ko sa taas.. at pati na rin sa baba!”

Sabay tawa ng malakas. Grabe, wild kami. Naikuwento ko yung kay Dave. Narinig nga nila na guwapo nga daw talaga yun. Sinabi ko sayang nga na gusto niyang maging pari. Sabay tawanan silang lahat.

Sarah: So? Eh ano ngayon kung gusto niyang maging pari. Novice pa naman siya. Kaya yun.

Ako: Eh.. Mukhang desidido eh.

Meg: Sus. Kaya mo yun!

Alex: Oo nga, sige bet tayo! Dare lang. Pagnakama mo siya.. umm... tatakbo akong hubad sa kaf sa lunch time.

Kris: Haha. Game ako diyan. Sige, ako. Umm.. Papasok ako isang linggo na walang bra at panty susuot yung uniform ko nung first year tayo.

Meg: Haha. Sobra yan. Sige ako. Pagnagawa mo, magpapa non-marching ako sa grad.

Sara: Mukhang masaya yan. Trip trip lang. Gagawin ko yang apat na yan pagnakama niya.

Ako: At ano ang mangyayari kung hindi ko nagawa?

Sara: Hmm.. ano kaya..

Kris: Alam ko na! Makikipag-break ka kay Andre at hindi mo na siya papakasalan.

Ako: Seryoso yan ah. Mahal ko si Andre. Hindi. Hindi ko gagawin!

Meg: Dali na. Seryoso. Hindi kami makikialam sa kahit anong paraan. Promise. Kaya mo naman eh. Sige, dagdag pa. Kaming apat gagastos sa kasal niyo kapag nagawa mo.

Ako: Siya, siya. Payag ako! Deal! Let's toast to seal the deal!

Sabay taas ang Chaos Ice. Let the games begin.
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Heathen
post Aug 21 2006, 12:59 AM
Post #9


Still stuck, stagnant, struggling somewhere


Group: Members
Posts: 1,587
Joined: 26-July 06
From: World of Internets Subgroup: Super Admins Status: Not for Sale
Member No.: 1,026




Nakakatuwa talaga kung paano mo sinasanib ang real-life stuff sa mundo ng Midgard.
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Lix
post Aug 21 2006, 09:31 AM
Post #10





Group: Members
Posts: 241
Joined: 1-August 06
Member No.: 4,162




gustong gusto ko talga tong mga fic mong ito. (IMG:style_emoticons/default/happy.gif)

Parang napaka natural ng mga nangyayari.
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Edicus
post Aug 21 2006, 07:19 PM
Post #11





Group: Members
Posts: 73
Joined: 26-July 06
From: Dasmariñas, Cavite
Member No.: 1,827




Nice ang kulit ng kwento! Nangyayari pala yan sa midgard. Hahaha.. (IMG:style_emoticons/default/laugh.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
imperfect
post Aug 22 2006, 09:36 AM
Post #12





Group: Members
Posts: 710
Joined: 4-August 06
From: On the edge of dreams and nightmares
Member No.: 4,811




Kabanata Dos
Ulan
(Rivermaya)

Hay naku...

Ano na naman ang pinasukan ko?

Pati ba naman kasal namin ni Andre dinamay ko? Kalokohan. Hirap pa ng gagawin ko. Kailangan hindi malaman ni Andre. At paano kaya maaakit ang isang taong desidido maging pari? Sandali, mamaya na pag-iisip, may pumasok na na teacher. Algebra. Ayaw na ayaw ko ng subject na ito. Hindi ko talaga magets. Nagsimula na siya magsalita. Blah blah blah. Wala ako maintindihan. X + Y = 5? Ano? Pakiulit nga.

“Ei Kim. Mukhang nahihirapan ka ata. Gusto mo tulungan kita?”

“Ha? Eh.. Oo. Sige, Pano ba ito?”

Whoa. Bait naman nitong si Dave. Galing pa magturo. Ang dali ko nakuha. Too good to be true na ata ito. Guwapo, mabait at matalino? Very rare mga ganito. Masasayang lang talaga ito sa simbahan. Nagpasalamat ako. Siyempre. Mabait ako hindi ba? Nagring na ang bell. Bagong subject na naman. Physics. Dali lang ito. Well, at least mas madali sa Chem ito. Ayun, teacher namin. Bago siya. Babae. Si Ma'm Belen. Medyo barok pa magsalita palibhasa probinsiyana.

“Okie class. We will hab a imbistigadory projict this yir. This projict will bi done by two's. I hab alridy made di pairings. I well now rid the pairings”

Hay.. Naku. Investigatory project na naman. Sino kaya makakasama ko? Sana si Andre. Para may palusot na naman siya para makapunta sa bahay namin. Tagal naman ng pangalan ko. Paano kaya ito.

Ay, sayang. Iba na kapartner ni Andre.

“And por di last pairing, Manahan.. Pervera.. That is all. Plis take note op yur partner. They will also bi yur permanent lab partner. Oh bi the way, the didline for the proposisyon of a projict will be nxt wek. Hab at least four proposisyons. That is all”

Natatawa ako. Mukhang mapapadali ang gagawin ko. Teka, simulan na nga natin. Tutal, may basketball practice na naman mamaya si Andre.

“Paano ba yan Dave, ikaw makakapartner ko. Suwerte ko naman, ang talino ng kasama ko. Siguradong 90+ na grade ko nito”

“Hindi naman” Nagblush siya. Cute naman. Daling Bolahin.

“Gusto mo simulan na natin gawin mamaya? Wala pa namang ginagawa sa ibang subjects eh.”

“Ok. Sige ba.”

“Meet you after class ok?” Sabay ngiti ako.

“Ok...” Nagblush na naman. Haha.

Break na namin. Ano ba susunod?

Religion, tapos PE. Excited na ako sa PE. Simula na ng weapons training namin. Ayos ito. Hindi ko gaanong pinansin Religion. La naman ako matututunan diyan. Nagbell na. Ang bilis ko umalis. Magpapalit kasi muna eh. Dapat kasi nakashorts at naka t-shirt lang sa PE. Haha. Sobrang ikli ng shorts ko pag PE kaya naman ang daming nakatingin sa akin. T-shirt na suot ko, tight fit talaga para makita talaga korte ng katawan ko. Haha. Tease talaga ako. Ayun, simula na ng weapons training. Bawat estudyante pinapili ng sandata na gusto niya. Sa kaunting pang-aakit sa instructor ko, sa akin napunta ang +10 hurricane blade. Ahihi. Galing talaga. Enjoy na enjoy ako sa PE. Halatang yung instructors ko at mga kasama ko hindi makaconcentrate dahil ako tinitingnan. Teka, si Dave ba tumitingin? Ayun siya. Aba, hindi. Hindi niya ako pinapansin. Bakit? Hindi ba ako maganda para sa kanya?

Tapos na PE. Palit ulit ng uniform. Lumipas ang buong araw ng walang nangyari. Subject dito, subject doon. Boring. Walang excitement. Sa wakas nagring na rin yung bell. Uwian na. Ay, teka. Gagawa nga pala kami ng investigatory project ni Dave. Nasan na ba yun? Ayun palabas na siya.

“Dave! Dave! May nakakalimutan ka ata?”

Sabay lumingon si Dave. Nakita ako. Nagulat ata. Sabay ako lapit naman sa kanya.

“Waa.. Kim. Pasensya na. Nakalimutan ko kasi..”

“Hihi. Ayos lang. Makalimutin ka pala kahit matalino,” Nagblush na naman ang loko.

“Anyway, san ba natin gagawin?” Aba, change topic.

“Sa Freya's Burgers gusto mo? Kain na rin tayo habang nandoon tayo”

“Ha? Eh.. la ako zenny eh. Naubus na.”

“Walang problema yun. Lilibre kita. Dami ko naman pera dito eh.”

“Nakakahiya naman sa'yo.”

“Hindi. Ayos lang yan, tara na. Tiningnan mo umaambon na.”

Hinawakan ko kamay niya tapos tumakbo ako papuntang Freya's burgers. Order ko salad lang, sa kanya naman Cheeseburger meal. Hindi pa upsize ang drinks at fries. Galante. Haha. Halatang nahihiya eh. Kuwentuhan kami ng tungkol sa kung ano-ano. Ayos palang kakuwentuhan ito eh. Dami puwedeng pagusapan.

Pero... teka lang, mukhang may bumabagabag sa isipan niya. Matanong nga.

“Oi, Dave. Ano iniisip mo? Mukhang kanina ka pa hindi mapakali diyan ah.”

“Ha? Eh kasi..”

“Dali na sabihin mo na.”

“Kasi tungkol sa'yo eh. Nahihiya ako tanungin.”

“Wag ka ng mahiya,” Ano kaya ito?

“Narinig ko sa ibang tao yung tungkol sa mga.. umm.. “extracurricular activities” mo?” Totoo ba yun?”

Oh. Yun pala yun.

“Ano ba tinutukoy mo? Be specific naman,” alam ko na susunod dito.

“Yung tungkol sa inuman, drugs, at sex.”

“Ah, yun. Oo. Totoo lahat yun. Bakit? May problema?” Sino nagkuwento sa kanya nito?

“Wala naman. Gusto ko lang malaman kung bakit ginagawa mo mga yun?” Curious.

“Trip lang. Kaya ko gawin, kaya ginawa ko. At isa pa, masaya eh.”

“Pero mali ang ginagawa mo. Mali sa mata ng tao at mali sa mata ni Odin.”

“Wala ako pakialam kung ano tingin ng tao at wala akong pakialam kung ano ang tingin ng putanginang Odin na yan! Bakit ba? Ano ba alam mo sa akin? Isang araw mo pa naman ako nakikilala eh.”

Naaasar ako. Mali? Aba. Lakas ng loob nito ah. Tiningnan ko siya mabuti. Seryoso siya. Tapos biglang hinawakan niya kamay ko tapos ngiti. Isang ngiti na puno ng pag-aalala.

“Siguro nga, wala akong gaanong alam sa mundo mo. Ang alam ko, hindi ka bagay diyan. You are better than this. Mabait ka. Nararamdaman ko. Hindi ka bagay sa mundong iyong ginagalawan.”

Napapaluha na ako. Wala pang nakakapagsabi sa akin ng ganun. Bakit ba ako ganito? Bakit ako naapektuhan? Bakit? Mabilis kong tinangal ang kamay ko sa kamay niya. Sabay tayo.

“Wag ka makialam sa buhay ko! Wag mo akong sasabihan kung ano ang tama o mali. Hindi mo ako kilala!!”

Tumakbo ako palabas. Umuulan. Malakas. Suwerte. Hindi mahahalata na umiiyak ako. Tumigil ako at umiyak ng umiyak.

Naramdaman ko may humawak sa balikat ko. Humarap ako. Si Dave. Nakangiti. Tangina. Ang guwapo talaga niya. Niyakap ko. Tagal naming nasa ganung posisyon. Hinayaan lang niya ako umiyak. Hindi ko alam kung bakit umiyak ako.

Langhiya. Ngayon lang ako umiyak ng ganito. Ano ba nagtulak sa akin para umiyak? Guilty conscience kaya? At sa lahat ba naman ng puwedeng magpaiyak sa akin, siya pa. Odin, bakit siya pa? Lakas na naman ng trip mo. Siguro isip mo parang piyesa lang kami sa isang board na puwede mong galawin kahit kailan mo gusto. **** ka talaga Odin. Hinawakan niya mga pisngi ko. Napatingin ako sa kanya. Patuloy niyang hinawakan ang pisngi ko. Tapos hinawakan niya buhok ko. Ngumiti siya.

“Tara na. Hatid na kita sa inyo”

Hindi ko alam kung ano nasa isip ko. Dahan dahan kong nilapit ang labi ko sa labi niya. Dumampi labi ko sa labi niya. Pinikit ko mga mata ko para maramdaman ko talaga ang dampi ng kanyang labi sa akin. Hindi rough labi niya tulad ng ibang lalake. Malambot na parang unan.

Hindi ito halik tulad ng iba kong mga halik. Walang pagnanasa. Walang libog. Ito ay isang halik. A pure kiss that can never be explained. A kiss that surpasses all feelings. A kiss that gives a person a glimpse of eternity.

Naks. Naging makata na ata ako.

Sa sandaling iyon, hindi ko maramdaman ang lamig ng panahon o ang patak ng ulan sa damit ko. Hindi ko pansin ang mga taong dumadaan o ang mga karwaheng tulak tulak ng pecopeco. Sa sandaling iyon, hindi na ako ang babaeng maraming karanasan. Sa sandaling iyon, isa lang akong ordinaryong babae na nararanasan ang kanyang unang halik.

Sa sandaling iyon, isa akong inosente.

Tanging siya lang ang napapansin ko. Ang init ng kanyang mga labi sa labi ko. Ang kanyang kamay na nakayakap sa akin.

Hay.. Sana noon ko pa siya nakilala. Baka hindi na ako umabot sa ganitong kalagayan. Pero hindi ba magpapari siya? Bibitaw ito, sigurado kapag namalayan niya. 1. 2. 3. 4. 5. Ayun bumitaw na. Mukhang naguguluhan. Nagsalita siya.

“Pasensya na. Hindi ko sinasadya. Pasensya na” Sabay talikod at takbo palayo sa akin.

Sabi na nga ba ganun ang reaksyon nun. Ganyan talaga mga lalaki, daling hulaan ang reaksyon. Pinagmasdan ko siya hanggang pati bakas niya, nawala na. Tumalikod na rin ako at naglakad palayo. Pero bakit ko nga ba siya hinalikan? Dahil ba sa isang deal? Dahil ba nagpapasalamat ako sa pagbubunyag niya ng katotohanan? Hindi naman siguro pagmamahal. Hindi. Si Andre ang mahal ko. So bakit ko nga ba siya hinalikan? Sa totoo, hindi ko alam. At wala na akong balak alamin.Tatapusin ko na itong bet na ito. Bibilisan ko. Kung hindi.. baka.. ewan ko.. Hay..

Umupo na lang ako sa isang bench. Sabay pikit ng aking mga mata at tingala sa langit. Ang sarap talaga ng ulan...
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Lix
post Aug 22 2006, 08:41 PM
Post #13





Group: Members
Posts: 241
Joined: 1-August 06
Member No.: 4,162




Alam ko nakita ko na tong storya sa WA parang compiled na yata...pero di ko makita.

QUOTE
mga karwaheng tulak tulak ng pecopeco


ask ko lang kung talagang tulak tulak yung karwahe...alam ko kasi hinihila yun karwahe...

*just my two cents*
Go to the top of the page
 
+Quote Post
imperfect
post Aug 22 2006, 09:14 PM
Post #14





Group: Members
Posts: 710
Joined: 4-August 06
From: On the edge of dreams and nightmares
Member No.: 4,811




QUOTE(Lix @ Aug 22 2006, 08:41 PM) [snapback]93321[/snapback]

Alam ko nakita ko na tong storya sa WA parang compiled na yata...pero di ko makita.
ask ko lang kung talagang tulak tulak yung karwahe...alam ko kasi hinihila yun karwahe...

*just my two cents*


Haha. Hindi ko nakita un. Tama ka. Hila hila.

At hindi ko pinost ito a WA pero may kapangalan pero iba naman ang kuwento kaya ayos lang (IMG:style_emoticons/default/smile.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Lix
post Aug 22 2006, 09:59 PM
Post #15





Group: Members
Posts: 241
Joined: 1-August 06
Member No.: 4,162




Ah..sayang akala ko meron...

I'll just have to wait (IMG:style_emoticons/default/happy.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
-XenoN-
post Aug 24 2006, 05:07 PM
Post #16





Group: Members
Posts: 7
Joined: 31-July 06
Member No.: 3,770




kuya imperfect update nmn poh.. =) tnx !!
Go to the top of the page
 
+Quote Post
imperfect
post Aug 25 2006, 10:22 PM
Post #17





Group: Members
Posts: 710
Joined: 4-August 06
From: On the edge of dreams and nightmares
Member No.: 4,811




Kabanata Tres
Two Trick Pony
(Sandwich)

Ilang araw na ang nakalipas pagkatapos nung araw na hinalikan ko si Dave. Nagkasakit ako pag-uwi ko sa bahay nun. Nilalagnat. Ayan kasi. Nagpabasa pa. Mga isang linggo ako hindi pumasok nun. 3 araw dahil may sakit talaga ako at 2 araw dahil nais ko munang malayo sa paaralan. Hindi ko ginusto na ganito magsimula ang huling taon ko. Hindi talaga. Pero nangyari na ang nangyari. Nalaman ko kay Andre na nagpasa na pala si David ng proposition para sa investigatory project namin. Tuwang tuwa daw teacher namin kasi magaganda ideya niya. Matalino talaga yung mokong na yun.

Nung pumasok na rin ako sa paaralan, parang may nagbago na sa akin. Pero hindi ko pinahalata. Nagtago ako sa isang maskara. Parang walang nangyari. Kuwentuhan pa rin tungkol sa iba't ibang bagay. Papunta punta sa Prontera Town Center kasama si Andre para magmake-out sa sinehan. At kung wala mga magulang ko, dadalhin si Andre sa kuwarto ko at doon namin binubuhay ang pagnanasa sa aming mga katawan. Siyempre playing it safe ako. Dapat may Kyrie condoms. Ayaw ko pa mabuntis. Saka na, kapag kasal na kami. Nakikisalo rin ako sa mga inuman. Parang walang nangyari noh?

Tungkol naman kay Dave. Hindi niya ako gaanong pinapansin. Kung kailangan lang talaga saka niya ako papansinin. Guilty ata sa nangyari. Tagal na nun pero dinadala pa rin niya sa isipan niya. Parang.. ako.. Ewan ko ba pero pagnakikita niya ako kasama ng mga kaibigan ko, parang malungkot ang kanyang mukha. Kaya ayun... naasar ako. Pag ako na ako nagkukuwento at nandun pa siya talagang nilalakasan ko para sa kanya. Nagpaparinig. Parang sinasabi ko sa kanya “Hindi ako naapektuhan sa sinabi mo.” Pero apektado ako, inaamin ko.

Lapit na dumating sembreak. Sleep over na naman kami ng barkada. Sa bahay naman ni Sara. Tsikahan na naman to the max ito. At tiyak, mababangit na naman ang pangalan ni David dito. Hay nako. Sana hindi na lang pala ako sumama. At ayun na nga. Napunta kay David at sa akin yung topic.

Sara: “So ano nangyari sa inyo nung guwapong pari? Hindi mo pa ba nakakama?”

Ako: “Ha? Eh.. Hindi pa eh.”

Kris: “Ows? Baka tinatago mo lang.”

Ako: “Hindi pa talaga. Hirap eh. Desidido maging pari eh. Hindi ko pa nga nahahalikan eh”
(Kasinungalingan)

Meg: “Aba, himala. Hindi mo pa nagagalaw hanngang ngayon. Losing your touch na ba?” (More than you'll ever know Meg. More than you'll ever know)

Alex: “Haha.. Baka ayaw mo ng ikasal kay Andre?”

Ako: “Hindi ah. Nahihirapan na talaga ako. Basta one week bago graduation, madadale ko rin yun.” (Pinapahamak ko na naman sarili ko. Siyet.)

Sara: “Haha. Siguraduhin mo lang kung hindi, walang kasal.”

Diyos ko, ano na naman itong napasok ko. Paano ko gagawin ito. Mangangalahati na skul year. Kaya ko kaya ito. Paano ko kaya malulunasan ito? Desidido na talaga akong magpakasal kay Andre. Desididong desidido. Parang si Dave, desididong maging pari. Langya. Siya na naman nasa isipan ko. Oh well.. Ano na nga ba magagawa ko. Andito na yan eh. Teka, makapagdasal nga ako. Baka sakaling may magawa si Odin. Hingi ako ng lakas para sa susunod na mga pangyayari. Baka lang makatulong siya, baka lang. Ngunit hindi lumabas ang gusto kong sabihin. Lumabas kung ano ang nararamdaman ko.

“Panginoong Odin, kung nakikinig ka nga. Kung nabubuhay ka. At kung tumutulong ka sa tao. Parang awa niyo na, iligtas niyo ako sa sarili ko...”
Go to the top of the page
 
+Quote Post
imperfect
post Aug 29 2006, 10:21 AM
Post #18





Group: Members
Posts: 710
Joined: 4-August 06
From: On the edge of dreams and nightmares
Member No.: 4,811




Kabanata Kuwatro
Crazy For You
(Sponge Cola Version)

Malapit na sembreak namin. At siyempre, may dance sa Prontera High para icelebrate ang isang linggong walang pasok. (oo, isang linggo lang sembreak namin. Novice pa kasi) Korni nga ng title eh.

“Chill”

yeessshh...

Isip naman sana sila ng bago. Pero ayos lang, naimbitahan naman ng student council namin ang mga sikat na banda sa Midgard. Pupunta ang Parokya ni GM, Ancient Worms, Eggheads, at kung sino sino pa. Siyempre pupunta ako. Hinding hindi ako mawawala dito. Siyempre kasama ko si Andre. Siya mahal ko eh...

Pero si Dave, pupunta kaya?

“Maayos na kaya ako?” tanong ko sa salamin. Pinagpasiyahan ko na maglugay muna. Tube ang suot ko. Para pansin ang korte ng boobs ko. Hanging pa para exposed ang piercing ko sa bellybutton. Sky Blue ang kulay para may pagkacontrast sa pula kong buhok. Sabay maong lang na may pagka low waist para kita t-back ko na kulay blue rin. Ahihi. Ganda ko talaga.

“Señorita! Si Andre po andito na.” Andito na siya. Hmm.. Ayos naman suot niya. Red na polo. At maong. Puwede. Fafables talaga.

Sinadya naming medyo late na dumating para grand entrance. Dami ngang nagtinginan sa amin nung pumasok kami. Siyempre, kami pinakasikat na couple sa skul. At ganda pa ng suot namin. Pumunta kami sa dance floor at sumayaw.

Wala na ako pakialam sa kanta. Basta nararamdaman ko na lang ang musika. Bawat tono, nagpapagalaw sa katawan ko. Bawat strum ng gitara sinusundan ko ng galaw ng bewang ko. Parang nasa isang trance ako. Parang nahypnotize ako. At totoo nga, hypnotized ako ng musika. Para akong isang alipin na sinusunod ang kanyang amo. Ako at ang ang musika. Sinabayan ako ni Andre ng sayaw. Ramdam ko ang kanyang mainit na katawan malapit sa akin. Ramdam ko ang bawat reaksyon niya sa sayaw ko. Nagpapasalamat ako sa ganitong pakiramdam. Yung wala ng iniisip kung hindi ang sayaw.

Pagkatapos ng ilang minuto, umalis na rin ako sa dance floor. Nagpahinga muna sa may bleachers. Sarap talga sumayaw. Iniwan muna ako ni Andre para kausapin mga kaibigan niya. Mga kabarkada ko naman nasa dance floor pa. Sumasayaw. Teka, hindi ba si David yung palapit na iyon? Siya nga. Yung itim niyang buhok, yung kulay green niyang mata. Yung labi niyang malambot. Teka, ba't dun na naman ako napunta? Ayos suot niya, green na polo. Matches his eyes. Sabay slacks at brown shoes. Desenteng desente ang dating. Ang guwapo niya.

“Musta na Kim?” Himala ba ito. Kinakausap niya ako.

“Ayos lang. Buhay pa naman. Ikaw?”

“Ako? Ayos lang din.” Ngumiti siya. Tangna! Ganda talaga niya ngumiti.

“Guwapong guwapo ka ngayon ah. Tiyak, dami mo ng naisayaw na babae.”

“Salamat. Hindi naman. Dami nagyaya pero tinangihan ko.” Nagblush. Walang nagbago sa kanya.

“Oh...”

“Ganda mo ngayon ah. Ayos na kahit hindi nakikita t-back mo pero style mo yan eh” Aba. Napansin pala ng gago. Maasar nga.

“Ahihi. Ano ibig sabihin nun? Hindi ako maganda dati?”

“Ha? Hindi maganda ka na dati. Lalo ka pang gumanda ngayon. Yun yung ibig kong sabihin.”
Haha. Nataranta ang loko.

“Nagtataka lang ako, bakit tinangihan mo lahat ng nagyaya sa iyo?” Sana... tama sabihin niyang sagot.

“Kasi... umm...”

“Ano?” Diyos ko, mahihimatay na ata ako sa kaba.

“Ikaw lang kasi gusto kung maisayaw. Puwede ba? Baka kasi magalit bf mo eh.” Sabay abot ng kamay niya.

Tulala ako. Wala ako masabi. Inabot ko na lang kamay ko. Ngumiti siya at dinala ako sa dance floor. Tamang tama kakatapos lang ng kanta, may bago naman. Ano kaya kanta namin?

Swaying there as the music starts
Strangers making the most of the dark.


Crazy for you ba title nito? Grabe. Ito pa yung kanta. Dahan dahan kong nilagay ang kamay ko sa mga balikat niya. Hinawakan niya ang bewang ko. At nagsimula kaming sumayaw.

I see you through the smoky air
Can't you feel the weight of my stare


Tiningnan ko siya. Nakangiti siya. May halong lungkot.

“Alam mo, sana hindi na matapos itong gabing ito Kim. Sana hindi na matapos ang pangarap na ito”

“Kailangan ba nating tapusin? Hindi ba puwede na ganito na lang tayo habang buhay” Grabe. Senti na senti ako. Siguro dahil sa kanta...

Siguro nga

You are so close but still a world away
What I'm trying to say is that
I'm crazy for you
Touch me Once and you know it's true

Grabe. Tamang tama itong kanta para sa amin. Mukhang seryoso ulit siya.

“Sorry sa nga sinabi ko nung araw na yun. Alam ko wala ako sa lugar para sabihin ang mga sinasabi ko.”

“Shh... wag na natin pag-usapan yun.” Hinigpitan ko ang yakap. Para hindi niya makita na naiiyak ako.

I never wanted anyone like this
It's so brand new
You feel it in my kiss
I'm crazy for you...


“Hindi ko sinasadya na halikan ka. Hindi ko alam kung ano pumasok sa akin."

Langya, tumutulo na mga luha ko.

Trying hard to control my heart...
I walk over to where you are
Two by two... We need no words at all


Tama. Hindi na kailangan ng salita. Nakakasira lang ng nararamdaman ang mga salita.

“Sabi nang huwag ka magsalita eh. Kulit mo. Alam ko naman eh.” Pero hindi ko alam. Langya. Hindi ko talaga alam. Ano ba ito. Sana hindi pag-ibig ito.

Alam ko masasaktan lang ako.

Slowly now as we begin to move
With every breath come deeper into you...
Soon we are standing still in time...
But if you read my mind..
You'll know that
I'm Crazy for you


Sana wala na ngang wakas ang gabing ito. Sana ganito na lang kami habang buhay. Magkayakap. Sumasayaw. Siya at ako. Ako at siya. Ito na lang ang tanging iniisip ko.

“Kim, alam mo na may nararamdaman ako para sa'yo. Pero hindi talaga puwede. Ang dami kong pinagdaanan upang makarating kung nasan ako ngayon. Ang dami kong sakripisyo para maging alagad ng Diyos”

Tumigil na siya. Marahil naghihintay sa mga sasabihin ko. Pero ano ba masasabi ko? Sabihin ko na tama ang lahat ng sinabi niya? Hindi kayang tangapin ng puso ko yun. Pero yun na ata ang katotohanan. Yun na ata ang realidad. Hindi talaga puwede...

“Siguro nga tama ka Dave. Sino ba ako para humadlang sa iyo at kay Odin? Hindi ko kayang makipagkompetensya sa kanya. Tao lang ako.”

Patuloy ang pagpatak ng mga luha mula sa aking mata. Ito na yata ang pinakamasakit na nasabi ko. Parang isang libong jt ang tumama sa dibdib ko. Sakit talaga.

“Kim...”

“Dave... alam ko mali ang hihingin ko sa iyo ngayon. Pero sana mapagbigyan mo. Ayos lang kung tumanggi ka.”

“Ano yun Kim?”

“Halikan mo ulit ako tulad nung nasa ulan tayo. Isang huling biyaya para sa isang makasalanan na tulad ko.” Parang awa mo na. Huwag kang tumanggi.

Tiningnan niya akong mabuti. Ngumiti. God, I love that smile. Sabay yuko para maabot ang labi ko. Alam ko mali ang hiningi ko pero hindi ko talaga makayanan ang sarili ko. Pero, sa unang pagkakataon, feeling ko tama ginagawa ko. Ewan ko ba. Sana hindi na ito magwakas. Nagkita ang aming mga labi. Ganoon pa rin ang halik niya. Pure pa rin. Tulad ng dati. Pinasok ko ang dila. Tinanngap niya. Para sa isang desididong maging pari ang sarap niya humalik. Tulad ng dati, wala akong napapansin kung hindi ang halik niya. Wala akong napapansin kung hindi ang tamis ng labi niya. Sana hindi magtapos ang pakiramdam na ito. Sa sandaling ito hindi ako iyong babae na kung ano-anong katarantaduhan ang ginagawa. Sa sandaling ito, ako ay isang inosente.

Touch me once and you know it's true
I never wanted anyone like this
It's so brand new
You feel it in my kiss
I'm crazy for you...
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Edicus
post Aug 29 2006, 02:06 PM
Post #19





Group: Members
Posts: 73
Joined: 26-July 06
From: Dasmariñas, Cavite
Member No.: 1,827




Waaa update pa!! bitin!! (IMG:style_emoticons/default/tongue.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Para Ordenance
post Aug 29 2006, 06:49 PM
Post #20


We <3 Maki-sempai


Group: Members
Posts: 2,169
Joined: 1-August 06
From: Maki's Heart
Member No.: 4,093




Hi Mr. Imperfect,

I missed your fan fics especially this and Impossible si Nicole at Yomz!
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Lix
post Aug 29 2006, 09:59 PM
Post #21





Group: Members
Posts: 241
Joined: 1-August 06
Member No.: 4,162




Nice Update parang naging songfic. (IMG:style_emoticons/default/happy.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
liureiyi
post Aug 30 2006, 05:48 PM
Post #22





Group: Members
Posts: 652
Joined: 30-July 06
From: Pasay City, Philippines!!! XD
Member No.: 3,647




OMG nakita kaya un ni Andre? (IMG:style_emoticons/default/ohmy.gif)

aww,.. grabe mga scenes dito asteeg,..

galing pa ni kuya imperfect,.. kala ko tuloy babae ung author,.. /swt
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Crackster
post Aug 30 2006, 05:56 PM
Post #23





Group: Members
Posts: 516
Joined: 25-July 06
Member No.: 177




cant wait for chap 15... (IMG:style_emoticons/default/smile.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Camzy
post Aug 30 2006, 11:47 PM
Post #24





Group: Members
Posts: 17
Joined: 25-August 06
Member No.: 7,732




i'm wondering, ano kya name ng band sa Midgard yung kumanta ng Crazy for You? ahihi...

anyways, thanks po sa update !! ^^
Go to the top of the page
 
+Quote Post
imperfect
post Aug 31 2006, 10:25 AM
Post #25





Group: Members
Posts: 710
Joined: 4-August 06
From: On the edge of dreams and nightmares
Member No.: 4,811




Kabanata Cinco
Maskara
(Eraserheads)

Dalawang araw na ang nakakalipas since yung dance namin sa skul. Dalawang araw simula noong hinalikan niya ako muli. Dalawang araw mula noong nagpaalam na kami sa isa't isa. May halong kasiyahan at kalungkutan tuwing naiisip ko ang nangyari simula nung nakilala ko siya. Ilang araw lang kami nakapagsama pero binaligtad niya mundo ko. Binalik niya ang pagkainosente ko. At binasag niya na parang salamin ang seguridad ng aking mundo sa kasalukuyan.

At ang problema, hindi ko alam kung saan ko sisimulan pulutin ang mga butil ng salamin ng buhay ko. O kung gusto ko pa ngang pulutin at ibalik muli sa pagkaka-ayos nito. Kasi hindi ko alam kung gusto ko pang bumalik sa dati buhay ko. Sawa na ako. Wala na akong napapala.

Ngayon, hinahanap ko kung sino talaga ako. Alam ko na ang Kim ng Prontera High ay isang maskara lamang. Hindi talaga ako ito. Ngayon ko lang talaga naunawaan na yung babaeng maraming karanasan, hindi talaga ako yun. Ni hindi ko nais na maging ganito. Alam ko may tinatago ako sa sarili ko kaya ako nagsuot ng maskara. May isang lihim ako na nais kong itago sa sarili ko kaya sinuot ko ang maskara.

Sa paglipas ng panahon, ang maskarang aking sinusuot ay naging parte ko na. Hindi ko alam kung kailan nangyari ito. Ang maskarang sinusuot ko ay naging ako. Nawala ang identitad ko at ang pangap-pangapin ko ang naging totoo. Parang nagpalit ng identitad ang sarili ko at ang maskara. Sa pagtagal ay tuluyan ng nawala ang identitad ko. At kasama ng pagkawala nito ay ang pagkawala ng pagkainosente ko. Ang nais kong malaman ay kung ano ang nagtulak sa akin para magsuot ng maskara. Ano ang lihim na iyon? Sana ay maalala ko. Pero malamang hindi ko na malalaman ang sikretong ito. Marahil ang panahon na lamang ang nakakaalam nito.

Naaalala ko lahat ng sinabi niya sa akin noong gabing yun. Ngunit naguguluhan pa rin ako sa mga ibang sinabi niya. Hindi ko maunawaan.

“Kim, alam mo na may nararamdaman ako para sa'yo. Pero hindi talaga puwede. Ang dami kong pinagdaanan upang makarating kung nasan ako ngayon. Ang dami kong sakripisyo para maging alagad ng Diyos”

Yun. Ano ba ang mga pinagdaanan niya? Ano ang mga sakripisyo na pinagsasabi niya? Ito ang sikreto ng buhay niya na marahil ay hindi niya sasabihin kung kanino man. Ito ang ipinipilit niyang itago sa iba. Natatawa ako. Mukhang may sinusuot ring maskara itong si David. Hindi lang niya namamalayan. Sa tingin ko kaya pa niyang tangalin ang maskarang ito. Hindi pa tuluyang nalalamon ang identitad niya. May pag-asa pa siya. Hindi tulad ko. Kaya pa niyang lampasan ito. Ako, isa na lang akong ibon na mababa ang lipad. Pero kailangan niya ng tulong. Marahil kung may tumulong sa akin nun, baka hindi ganito ang kinalabasan ko.

Pero sino kaya? Hindi ko kaya na tulungan niya. Hindi naman sa wala akong maipapayo pero hindi ko talaga siya kayang lapitan. Baka umiyak lang ako. Mababasag na naman ang seguridad ng mundo ko. Baka tuluyang mawasak. Baka mawala ang maskara na suot suot ko. Hindi ko ata kaya na mawala ang maskara ko. Hay, buhay nga naman oh.

Nagpasya akong lumabas ng bahay. Lakad muna ako sa Prontera. Kinuha ko ang muffler ko sa closet. Malamig kasi ang panahon ngayon. Sa labas, maraming tao. Ganito na talaga Prontera noon pa. Naglakad ako. Nandun pa rin ang mga bangketa ng mga blacksmith at ng mga merchies. Sari-saring mga bilihin ang handog nito. Meron ring ilang mga manlalakbay ang nagbebenta ng mga nakuha nila sa kakalaban sa mga halimaw ng Midgard. Katulad ng dati, marami pa ring mga scammers at mga magnanakaw sa lugar na ito. Alam naman nating mali ang ginagawa nila pero naiintindihan ko sila. Nakakarelate rin kasi ako. Misunderstood rin kasi ako tulad nila. Marahil ay may pamilya silang pinapakain at wala na talagang paraan upang buhayin nila ang mga ito. At minsan masisisi mo ba sila sa kanilang ginagawa? Lahat ata ng presyo dito sobrang matataas. Hindi na kayang bilhin ng isang normal na citizen. Sa huli, ang pagkasakim sa pera at kayamanan ang may sala ng lahat. Pero sino ba ako para magsalita ng ganito?

Napadaan ako sa Freya's Burgers. Daming alaala dito. Sinadya ko na lang itong lampasan. Hindi ko pa kayang harapin ito. Napapunta ako sa fountain. Andun yung estatwa ni Odin na nakasakay kay Sleipnir. Ito ang Diyos ni Dave. Hindi ko siya Diyos. Wala akong Diyos. Matagal na nawala tiwala ko sa kanya. At marahil ay hindi na maibabalik ito. Dami niya kasing kalokohan na ginagawa sa mundo eh. Lalong lalo na sa akin. Hinayaan niya akong maging ganito.

Sa mga gilid ng fountain makikita mo ang limang bandera. Ito ang palatandaan ng limang agit na natatagpuan sa Prontera. Bawat bandera may emblem na nagsasabi kung sino ang may-ari ng agit sa kasalukuyan. Itinakda kasi ng hari ito. Ang opisyal na rason ay para lumakas ang mga sundalo niya. Upang lumakas ang mga magtatangol sa Midgard kung may aatake man. Pero hindi ako naniniwala dito.

Katarantaduhan lang.

Ang talagang rason ay takot ang hari. Baka kasi may mag alsa laban sa kanya. Kaya ginawa niya ito para yung mga sari-saring guild mismo ang maglaban. At ang resulta? Maraming namamatay. Maraming dugo ang naisasakripisyo. Mga bayani daw ang namamatay sa mga “guild wars” na ito. Namatay para ipagtangol ang puri nila. Kalokohan. Namatay lang sila para sa wala. At hindi nila alam yun. Laking gulat na lang nila siguro kung malaman nila na wala talagang Valhalla. Walang mga Valkyries na magdadala sa kanila dito. Walang Diyos.

Tatlo sa bandera dito ay may emblem ng guild ng tatay ko. Sila sa kasalukuyan ang pinakamalakas na guild sa Prontera. Pero hindi magtatagal, may makakatalo rin sa kanila. Hindi naman sa wala akong tiwala pero ganun talaga buhay. Hindi mo kayang manalo habang buhay. Papalya ka rin. Tama na nga ito, uwi na ako.

Habang naglalakad ako ay napasulyap ako sa isang kanto. May tao. Mukhang nabugbog. Kawawa naman siya. Sino kaya may sala nito? Mga walang puso. Sa nakikita ko, itim ang buhok. At green ang suot na polo. Si Dave nakasuot na green ng polo noong dance. Diyos ko, huwag naman sana siya ito. Parang awa niyo na. Naiiyak ako kasi sa puso ko, alam ko si Dave nga talaga ito. Kailangan siguraduhin. Nilapitan ko siya hanggang makita ko mukha.

Siya nga.

Ano na gagawin ko? Paano na ito? Hay.. Walang ibang paraan kung hindi dalhin sa bahay ko. Malapit na naman eh. Kinarga ko siya. Bigat pala ng loko. Duguan siya. Marang pasa sa katawan at may black-eye sa kaliwang mata. Ang labi niya, dami ng cracks. May mga namumuong mga dugo. Langya ka talaga Kim, labi pa niya nakita mo. Concentrate naman. Dahan dahan ko siyang dinala sa bahay. Noong malapit na ako sa gate ng bahay namin, nakita ako ng mga katulong. Inutusan ko silang dalhin si Dave sa taas at tumawag ng pari o hindi kaya ay doctor.

Odin...

ano na naman ba ang naisip mong gawin sa buhay ko?
Go to the top of the page
 
+Quote Post
liureiyi
post Aug 31 2006, 11:08 AM
Post #26





Group: Members
Posts: 652
Joined: 30-July 06
From: Pasay City, Philippines!!! XD
Member No.: 3,647




waaa,.. ayan cguro ung bf ni Kim nag-utos niyan??!

(IMG:style_emoticons/default/ohmy.gif)

thank you po sa update,.. (IMG:style_emoticons/default/smile.gif)


wee,.. hintay ko po next chapter,.. (IMG:style_emoticons/default/biggrin.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Edicus
post Aug 31 2006, 11:15 AM
Post #27





Group: Members
Posts: 73
Joined: 26-July 06
From: Dasmariñas, Cavite
Member No.: 1,827




QUOTE
Inutusan ko silang dalhin si Dave sa taas at tumawag ng pari o hindi kaya ay doctor.


Wow may doctor na pala sa midgard! (IMG:style_emoticons/default/tongue.gif)

Siguro ung bf nya nga nagpabugbog sa knya. Halikan ba naman ng ibang lalaki gf mo eh. (IMG:style_emoticons/default/blink.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
imperfect
post Sep 1 2006, 08:36 AM
Post #28





Group: Members
Posts: 710
Joined: 4-August 06
From: On the edge of dreams and nightmares
Member No.: 4,811




QUOTE(Edicus @ Aug 31 2006, 11:15 AM) [snapback]114089[/snapback]

Wow may doctor na pala sa midgard! (IMG:style_emoticons/default/tongue.gif)

Siguro ung bf nya nga nagpabugbog sa knya. Halikan ba naman ng ibang lalaki gf mo eh. (IMG:style_emoticons/default/blink.gif)


Kasi kung iisipin mo, sa kahit anong society, merong tumatayo bilang mga doktor. Atsaka may nurse sa Midgard, tapos walang doktor. Medyo kahina-hinala. Hehe.

Salamat sa mga nagbasa (IMG:style_emoticons/default/laugh.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Crackster
post Sep 1 2006, 08:44 AM
Post #29





Group: Members
Posts: 516
Joined: 25-July 06
Member No.: 177




more updates pls... upto chap 15, hehe... (IMG:style_emoticons/default/tongue.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Lix
post Sep 2 2006, 09:21 PM
Post #30





Group: Members
Posts: 241
Joined: 1-August 06
Member No.: 4,162




Update please. (IMG:style_emoticons/default/happy.gif)
Go to the top of the page
 
+Quote Post

6 Pages V   1 2 3 > » 
Reply to this topicStart new topic

 



RSS Lo-Fi Version Time is now: 9th February 2010 - 11:58 PM