Ang kapeng barako ay serye ng maiikiling kwento na nakabase sa karanasan ng may-akda at ng kanyang mga kaibigan noong nasa high school at college (mostly me). Dapat niyong malaman na may mga parte sa istorya na totoong nangyari at yung iba naman ay pawang kasingungalingan ng may-akda. Siyanga pala, may mga tauhan sa kwento na base sa mga kaibigan ng may akda. Kung nakita niyo ang pangalan niyo dito, it is either na kapangalan niyo lang o kayo yon. Paumanhin kung magkakamali ako.
Hindi po ako ang may-ari ng RO pero nanggaling sa akin ng plot ng mga kwento. Binase ko lang dito ang mga karanasan ko.
I: Ang hardin ng asul na rosas.
(God work in mysterious way.)
Buhay nga naman talaga; hindi mo alam kung anong ipapaharap sayo. Minsan, darating ang swerte at madalas naman puro kamalasan. Baka maperwisyo ako nito kung ganito na lang ang gagawin sa akin.
Lagi na lang ganito ang araw ko. Isama mo pa ang napakalamig na panohon eh dapat mainit ngayon. Di ko alam kung bakit napakalamig. Sabi daw sa dyaryo gawa daw ito ng hilagang hangin na dumadayo sa prontera and may nakasakay pang buntot ng cold front. Nakakapagtaka naman kasi ngayon lang ako nagbasa ng dyaryo sa buong buhay ko. Kung tutusin, mas malamig ngayon sa hilagang bahagi ng midgard.
Hindi ko alam kung ano ang isusuot ko. Hindi kasi mapakali ang katawan ko. Pag sinout ko ang makapal kong damit, maiinitan ang katawan ko at magsisimulang magpawis. Kapag sando naman, mapipilitan akong yakapin ang sarili ko at baka mailagay ko pa ang mga kamay ko sa lugar na hindi dapat ilagay. Nakakahiya iyon kung gagawin ko sa harap ng napakadaming tao. Kung matutupad ko lang ang aking munting kahilingan, sana bumuhos ng napakalakas na niyebe para lumamig ng lubos o di kaya naman ay uminit; sing init ng disyerto ng sograt. Kung ganito ang mangyayari, hindi na mag-iinaarte ang aking sensitibong katawan. Bakit kaya nagkaroon ako ng ganitong katawan? Asar. . Dapat nandun na lang ako sa hilaga para isang makapal na sweater ang susuotin ko.
Mag-isa lang ako sa bahay namin, nakahiga at nakatunganga sa kisame. Maliit lang ang kwarto ko. May study table sa nakapirme. Katabi nito ang pintuan gawa sa mumurahing kahoy na naagnas dahil sa mga anay. Dito nakalagay ang sangkatutak na na libro at aklat na aking nakalap sa mga tindero ng lumang libro. Nakakatamad kasi kapag walang ginagawa kaya nagpasya na lang akong magbasa. Mura lang naman ang mga libro na yan. Mga nasa trente hanggang isandaan zeny lang sila. Yung iba naman ay mga sinaunang aklat ng aking ama. Mahilig magbasa ng aklat si ama at yung ibang niyang libro ay aking nabasa noong bata pa ako.
“…”
Labin limang taon na rin ang lumipas simula nang sabihin sa akin ng aking ina ang mga detalye tungkol sa aking ama. Sampung taong gulang pa ako noon habang si Joven ay anim na taong gulang at ang bunso kong kapatid na si Alicia ay apat na taong gulang pa lang. Ayon kay mama, isang matino , matalino at disiplinadong sundalo ang aking ama. Sa panlabas na anyo, isa lang ang sinabi ni ina; malakas ang sex appeal ni ama. Bata pa lang ako at hindi pa naiipapanganak ang mga kapatid nang namatay si ama. Iniligtas niya ang isang batang babae mula sa isang nasusunog na bahay ampunan. Tunay na bayani ang aking ama.
Lumingon ako at napansin kong ala una na pala ng hapon. Dali-dali akong tumayo at nagbihis dahil kailangan kong sumipot sa pinag-usapang lugar. Nang nasuot ko na ang mga damit ko, diretso kaagad ako sa café le crossier
****
Labinlimang minuto na akong naghihintay sa kanya pero hindi pa rin siya sumisipot.
Nagbugtung-hininga na lang ako habang walang habas na pinaglaruan ang maliit na kutsarita. Nakakapagtaka naman. Madalas, hindi siya nahuhuli kapag magkikita kami. Kilala ko ang pagkatao ng kaibigan ko. Isa siyang matalino, responsable at mabait na tao, kaya nga siya ang pinakasikat na madre sa buong simbahan. Kapitbahay ko din siya dati noon pero simula nang namatay ang mga magulang niya sa isang sunog, inaampon siya ng simbahan. Masakit sa kanya ang nangyari sa kanyang mga magulang kaya lagi ko siyang binibisita doon. Kung sweswetihin, kasama ko din ang mga kapatid ko….
Iyon rin ang sinabi sa akin ni ina noong nangyari ang trahedya. Noong una, ayokong gawin iyon kasi napakalayo ng simbahan sa bahay naming. Halos kalahting oras bago marating ang lugar na iyon. Dahil sa aking walang kwentang dahilan, isang napakahaba at nakakatakot na sermon ang ginawa ni ina. Isa sa mga natatandaang kong sermon ay sasampalin niya ako ng napakalakas ng paglingon ko ay kasama ko na ang mga alien na may mahahabang sungay. Magkahalong takot at…. Ano nga ulit ang tawag dun? Alam ko ang tawag dun sa neo-midgarian ay wisdom pero nakalimutan ko kung anong tawag pag midgarian. Nakakahiya naman ito. Dahil sa sermon ni ina, pinuntahan ko na siya doon at malaking pasasalamat ko kay ina sa mga sermon niya.
Oliver asan ka na?
Napailing na lang ako nang narinig ko ang kanyang boses na malambing at medyo sintunado. Yumuko na lamang ako sa mesa para hindi niya ako makita. Baka kasi magtinginan ang mga tao sa akin at maiisip nila na kasama ko ang babaeng yan na para sa akin ay isang baliw.
Oliver, nasaan ka na ba? Magpakita ka na kasi.
Labag sa kalooban ko, napilitan akong tumayo baka madistorbo niya ang ibang kustomer. Nakayuko pa rin ang ulo ko na parang bang nagbibigay-galang sa isang dugong-bughaw.
****
“Hindi mo ba alam na mamatay ako sa kakahintay sayo, Catherine?” Sinabi ko habang ininom ko ang aking kapeng barako. Sobrang pait nito pero maganda siyang gamot para sa mahilig magpuyat.
Wow, astig. Hindi niya ako pinansin. Pagkaupo niya ay tinawag niya kaagad ang isang waiter at umorder ng cappuccino. Ang yaman naman niya; limampu’t limang zeny kasi ang isang cappuccino samantalang sampung zeny ang kapeng iniinom ko. Mula sa kanyang bulsa, hinugot niya ang kanyang hairbrush at sinuklayan ang kanyang buhok niyang lila. Kung ako naman ang tatanungin, hindi naman niya kailangan pagandahin ang maikli niyang buhok sa parang peacock.
Para bang isang akong multo na hindi niya nakikita. Patuloy ang kanyang panunuklay at nang dumating ang kanyang order, mabilis niya itong ininom na parang isang capsule.
Hindi pa rin niya sinasagot ang aking tanong kaya nagpasya akong asarin na lamang siya. “Ako lang ba o tumataba ka?”
Ang lahat ng tao sa loob at labas ng café ay nagsitayuan nang narinig nila isang malakas na “BANG”. Ang daming usisero’t at usisera na nakitingin ang aking katawan na pawang kamukha ng isang bangkay. Yun nga lang, nangingisay pa ako.
“Ano ka ba? Catherine? Ang sakit nun.” Sinabi ko habang hinimas ko ang aking napalaking bukol sa ulo ko.
Dahan-dahan niyang nilapag ang tasa. “ikaw kasi, Ang lakas mo namang mang-asar. Bagong bili pa naman tong damit ko.” Sabay turo sa kanyang bestida na medyo nagusot nang paluin niya ako ng kanyang payong na gawa sa matibay na bakal.
Ang mga babae talaga, ang bilis magalit pag kinantyawan ang kanilang body figure. Bat nga ba ganun ang kanilang pag-uugali?
Maasim ang expresyon ng mukha ko dahil namamanhind yung bukol sa sakit. “Uu na, sorry na. sorry na.” Sa susunod na aasarin ko siya at baka sa morgue na susunod kong destinasyon.
“Bakit mo nga ba ako tinawag?” Diresto kong sinabi sa kanya.
Kanina, galit nag alit siya sa akin na para bang gusto niya ako tirisin na parang kuto. Ngayon, napipi siya. Nakakapagtaka naman iyon kasi mabilis siyang sumagot kapag nakikupag-usap sa ibang tao.
Niyuko niya ang kanyang ulo. Nag-aalala ako sa kanya baka masama na ang kanyang katawan. Suki pa niya ang mga sakit tulad ng ubo, tonsillitis at madalas sipon. (kadiri siya pag sinisipon. Ang lakas niyang suminga.)
Tumayo ako at dahan-dahan ko siyang nilapitan. Simputi ng snow ang kanyang maikling buhok pero hindi ko pa rin makita ang mukha na nakakaakit ng iba’t-ibang gwapo sa siyudad pwera sa akin dahil sa bangs. Natatakluban kasi nito ang pisngi niya. Ang lakas naman ng pabango na ginamit niya at matapang pa. Daig pa ang Cossack vodka o tanduay pag dating sa lakas. Mahal ata ang ginamit niyang pabango. Baka naman may kadate siya ngayon o di kaya’y may lakad? Pake ko ba? Hindi ko naamn sakop ang buhay niya.
Hindi ko alam kung ang tumtakbo sa isip niya kaya halos mabali ang leeg ko nang silipin ko ang mukha niya. “Hoy, ayos ka lang ba?”
Ang akala ko pa naman ay sasakalin niya ako o di kaya naman ay ibabalibag niya ako. Laking gulat ko nang natumba siya na para bang nakakita siya ng multo. Nang namalayan niya na siya’y nasa sahig, kinuha niya kaagad ang handbag niya at tiningnan kung may nabasag ba.
“OK ka lang, Catherine?” Sinabi ko habang tinulungan ko siyang makatayo.
Hindi naman siya mabigat; mga nasa trenta kilo lang ata ang weight niya o pababa. Ako naman nasa singkwenta kilo.
Nang nakatayo sa siya, agad niyang inayos ang kanyang sarili. “Salamat, oliver…”
Hindi ko alam kung ano ang nasa loob ng isipan niya kasi para bang nahihiya siya. Pero saan ba siya nahihiya o kanino ba.
Agad kong pinunasan ng aking kamay ang mga pisingi ko. Baka kasi may nakadikit na bagay na hindi kaaya-ayang tingnan. Masusi kong tiningnan ang mga palad ko ngunit wala naman akong nakita sa kulangot o patay na langaw sa mukha ko. Tatanungin ko sana si Catherin pero nasa labas na pala siya. Daglian ko siyang hinabol. Mga babae talaga, kakaibang nilalang.
****
Lunes ngayon kaya kokonti lang ang mga tao sa parke. Maliit lang parke. Di tulad sa siyudad ng Geffen na malaki at maraming magagandang hardin. May malalaking puno ng acorn ang pumapalibot sa parke at apat na mahahabang silya na gawa sa bato. Ang mga hardin sa park eng prontera ay maliit lang ngunit dito tumutubo ang mga pulang rosas at kung sweswertihin ay puti rosas ang uusbong sa lupa. Ang kasabihan ang mga matatanda na pag nakakita ang isang tao ng asul na rosas, matutupad ang isa mong kahilingan.
“Tatlong araw na lang pala bago ang Lovepaloza Concert.” Sabi ni Catherine habang pinagmasdan niya ang mga bulaklak.
Tinaas ni Catherine ang kanyang mga kamay sa langit na para bang may sasaluhin siya o hinihiling sa taas. Hindi ko alam kung isa yan sa mga ritwal niya pero parang mayroon siyang isang bagay na kung saan hindi ko maalis ang kanyang mukha sa aking utak. Para siyang electromagnet kung matawag ng pansin.
Nang matapos na ang mga ritwal ni Catherine, umupo siya sa upuang bato. “halika, mauupo ka rito.” Sabay turo sa upuan.
Parang nagising ako sa isang mahabang tulog. Kinalmot ko ang mga mata ko para masiguro kung talagang nanaginip ako o nasa langit na ang kaluluwa ko. Nang mahimasmasan na ako, tiningnan ko kung nasaan ako.
Sumigaw si Catherine. “Oliver, naririnig mo ba ako?”
Pinaikot ko ang ulo ko na parang trumpo or di kaya’y frisbee na umiikot habang nasa ere. Nakita ko si Catherine, nasa bibig niya ang kanyang mga kamay na ginagaya niya ang isang speaker. Kumaway siya para siguradong makita ko kung nasaan siya.
Uupo na sana ako sa tabi ni Catherine nang sa di malamang dahilan ay tumakbo ng mabilis ang puso ko. Simbilis ng gatling gun at sinlakas ng grenade launcher kung tumibok ang puso ko. Pinag-aralan kong mabuti ang parke ngunit wala naman akong nakikitang panganib. Sa totoo lang, wala ni isang tao ngayon sa parke pati mga hayop lalu na ang mga squirrels. Tanging kami lang ni Catherine ang nasa parke.
Wala talaga akong ideya kung masama nga ba ang pakiramdam ko o pagod lang ako. Nagpasya na lang akong tumayo sa likuran ni Catherine. Gamit ang kaliwang paa ko, sinandal ko ito sa bangko at binulsa ang aking mga kamay na nangingisay sa lamig ng hangin.
“Wala ka bang trabaho ngayon?” Tinanong ko siya habang sinipat ko ang isang malaking puno sa harapan ko.
Sinagot niya kaagad ang tanong ko. “Ahh, nagpasya kasi akong magpahinga sa trabaho kasi nasosobrahan na ako. Payo-kapatid na rin ito ni boss at ng mga kasamahan ko sa trabaho at saka…”
“At saka?” Sabay sulyap sa kanya.
Katulad ng nangyari sa café, hindi naman siya sumasagot. Wala naman akong magagawa kung pipilitin ko siya kaya hinintay ko na lang ang kanyang naputol na sagot. Tumingala ako at nakita ko ang sangkatutak na ulap na umaaligid sa langit. Sa lakas ng hangin ay madali niya itong napapagalaw. May nakita din akong iba’t-ibang hugis ng ulap: may kulot na buhok, hugis daga na ulap. Pati nga airship na nasa izlude, nakita ko rin sa mga ulap. Natatawa ako sa hugis nila. Isa ito sa mga gawaing ko para magpalipas ng oras. Madalas, nakahiga ako. Hindi na mahalaga kung nasa kalye ako o nasa damuhan. Ang mahalaga, maenjoy at makapagrelax ako habang nanood sa taas. Wala namang sumisingil sa langit kasi libre ito di tulad ng mga tangghalan na may bayad pero ngayon, hindi ko maenjoy ang sarili ko. Bakit kaya?
Malapit na palang maghapon at nakalipas na ang kalahating oras. Lumingon ako at nandun pa rin siya; walang kibo at nakatupi ang mga kamay niya. Malalim ata ang kanyang iniisip. Naninibago na ako sa kanya dahil hindi naman siya ganyan. Si Catherine ay ang tipo ng babaeng napakadaldal, laging nakanigiti na ang kanyang mga mapuputing ngipin ay maaring makabulag sa iba at hindi siya mapakali sa isang lugar. Mahilig siyang makipag-usap sa mga tao. Ano pa nga ba? Pati nga mga mahahalagang sikreto ng tao, niaalam niya tulad na lang nang inusisa niya ako tungkol kung sino ang una kong crush. Ang galling niya; tinorture niya ako gamit ang kanyang mind power at hindi nagtagal, bumigay ako. Papasa sana siya bilang interrogator ng mga criminal kung hindi lang siya pumasok sa sanctuary.
Ano nga ba ang nangyaryari sa kanya? Dapat ko bang siyang tanungin o di kaya’y dalhin na siya sa ospital? Wala naman siyang sakit pero ano nga ba? Usisain ko na kaya siya para sabihin niya kung ano ang kanyang problema…
Huminga ako ng malalim at tumayo. “Sige, Catherine. Mauna na ako sa iyo. Kailangan ko pang maglinis ng bahay.”
Tumayo kaagad si Catherine. “Oliver, sandali lang may—“
Hindi na ako nag-atubiling lumingon. Oo, may sasabihin dapat siya pero parang may isang bagay na kumokontra sa akin. Hindi ko alam kung ano pero mayroon talaga o napakabigat nito.
Nung nasa gate na ako ng prontera, tiningnan ko ang direksyon ng parke. Nasaktan ako pero saan? Wala naman akong ginawang kasalanan sa ibang tao.
Pero laking gulat ko nang napansin ko na may namumuong luha sa mga mata ko.